Alden at Gabbi, may kumpetisyon sa pagho-host sa PBB!

Si Alden Richards ang hula ng marami na Kapuso na makakasama nina Bianca Gonzalez at Robi Domingo na magiging host ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Dahil ito sa nabanggit ni Alden sa isang interview na back to hosting muna siya.
Kahit sinabi ni Alden na new concept ang show na iho-host niya sa GMA 7, ayaw magpapigil ang fans sa paniwalang sa PBB ang next ng kanilang idolo.
Bukas, Sunday, Feb. 9, sa All-Out Sundays ang announcement ng Kapuso na magiging host ng PBB. Nataon namang magbabalik si Alden bilang host ng Sunday show, kaya lalong marami ang naniwalang siya nga ‘yun.
Nagkasama na sina Robi at Alden sa isang hosting event at magkaibigan naman sila nila Bianca, kaya wala nang adjustment na mangyayari sa kanilang tatlo kung sakali.
On the other hand, may mga naniniwala namang si Gabbi Garcia rin ‘yun. Dahil si Gabbi raw ang bini-build up ng GMA na host and she has proven her worth.
McCoy, napaiyak sa pandudura ng plema ni Mon!
May mga nandiri sa kuwento ni director Ceasar Soriano sa mediacon ng In Thy Name na dinuruan ng plema ni Mon Confiado si McCoy de Leon, pero para kay McCoy, kailangan nilang gawin ni Mon ‘yun para mas totoo ang eksena. Parang kulang daw ipakitang niyurakan ni Mon bilang si Abu Sabaya si McCoy bilang si Fr. Rhoel Gallardo kung duduraan lang na hindi malinaw na makikita.
Nag-usap sina McCoy at Mon bago kunan ang eksena at ‘yun ang kanilang napagkasunduan. Pero, kulang pa pala ang naibahagi ni direk Ceasar dahil sabi ni Mon, inipon niya ang kanyang plema bago idura kay McCoy.
Siguradong isa ‘yun sa eksenang aabangan sa pelikula na showing sa March 5, 2025 - in cinemas nationwide. Kasama ‘yun ng torture scene kay Fr. Rhoel at ‘yun ang pinakamatindi.
Kuwento ni McCoy, kahit alam niya ang mangyayari sa eksena, umiyak pa rin siya at para hindi makita ng co-stars niya, dumapa na lang siya. After kunan ang eksena, nakaramdam siya ng fulfillment na nagawa niya. “Ngayon lang uli ako nag-lead sa movie after a long time. Hindi pa ako ang first choice sa role ni Fr. Rhoel, kailangang gawin ko ang best ko,” sabi ni McCoy.
Magkakaroon ng premiere ang In Thy Name sa Zamboanga, Olongapo, Cebu at Davao bago ang premiere night sa SM North Edsa sa March 4. Ipalalabas din ito sa mga school, church at sa Vatican.
Mga panadero, magpapaligsahan!
Gaganapin sa March 6-8, 2025 ang Bakery Fair 2025 sa World Trade Center at ang Filipino Chinese Bakery Association, Inc. ang nasa likod ng event. Hinihintay ito ng bakers at pati mahilig lang mag-check out sa magaganda at naglalakihang cakes na naka-display sa lobby ng World Trade Center.
“Bakery Fair’s unmatched reach-down to provinces and every region makes it the ideal venue to nurture close-knit industry relationships,” ayon kay Chris Ah, President of FCBAI.
Open ito sa public, magpunta lang nang maaga sa World Trade Center dahil marami tiyak ang nag-a-attend. Ibang experience ang umikot at i-check ang mga booth and the last time, nag-enjoy kami sa booth ng Eng Bee Tin at nakita at natikman ang different flavors ng Hopia.
- Latest