Kinaya ng katawan ang bronchitis at pneumonia Iza, nakipaglaban sa back-to-back respiratory ailments

Nagka-pneumonia at bronchitis pala si Iza Calzado habang ginagawa ang pelikulang Caretakers na ipalalabas na sa mga sinehan sa Feb. 26.
Nagkasabay-sabay ang ginagawa niya that time. Meron siyang stage play, may The Kingdom at Green Bones at ito ngang Caretakers. “It was quite challenging for me because I was memorizing 16 monologues while doing this, I was moving into a new home, physically I was very exhausted hence I got sick. I had bronchitis, got pneumonia, yeah, around the time I was doing this, then I moved to Green Bones and then The Kingdom. Kasi po ‘pag nag-play ka kailangan mo rin kumita sa ibang pamamaraan. Opo kasi follow your heart, the bank accounts and you also have to provide. Ano nga bang gagawin ng nanay para sa pamilya niya? ‘Yun po,” kuwento ng award-winning actress kahapon sa ginanap na press junket para sa pelikula nila ni Dimples Romana na isang environmental horror mula sa Regal Entertainment and Rein Entertainment.
Tinutukoy niya siyempre ay hindi malaki ang kita sa entablado (Tiny Beautiful Things: A Play About Life in Letters) na common knowledge naman. Habang may dalawa siyang Metro Manila Film Festival movie entry that time. “And then here, I actually like acting; that’s why it’s very quiet and has a focus strain, but that’s not what Audrey (character niya sa Caretakers) is because she is a woman who is on the verge of actually a breakdown because she is going through something but is keeping everything together. And then she has a rebellious daughter, and then isang sakitin and she’s trying to understand how she can secure the future of her family. So the energy is required for me, although hindi naman malaking bagay. Pero hindi ko na-realize ‘yun eh, kasi nga I’m very extroverted, so for me energy expenditure is fine, but it’s really difficult also to shoot night scenes.” dagdag niyang paliwanag sa mga challenge na dinaanan nila while doing this film.
“Again I am going to emphasize this: we were working within the bounds of the Eddie Garcia Law. But when you say night scenes, you start the day around and get all that 3 p.m. or 4 p.m. for makeup, and you work for… again, the clock starts; that means Good Morning Kapatid na, ganon, dire-diretso ‘to. Dimples has a knack for napping, magaling. Ako kasi, I’m not Masa..., masandal tulog. Oo, ‘yan talaga masang-masa. Amazing, ‘di ba? Ako, hindi talaga. ‘Yun nga ang problema ko at hindi talaga ako dapuan ng antok halos. Maliban na lang siguro ‘pag late na late na ta’s ‘yung nasa eksena ka na. So you know, quite challenging ‘yon for me na first time ko ‘to na meron akong toddler, gigisingin ka sa umaga. Dati kasi pwede kong gawin ‘yon kasi matutulog ako, ngayon hindi. Gising ka, nanay ka ‘di ba, saka pabida ka rin sa bahay. Hindi eh, I want to be with my child, and so na-realize ko rin na at some point, in as much as you want to do, ganon, do everything,” katwiran pa ng actress na nag-birthday ang anak na si Deia last week.
Kaya mahalagang magpalakas pa raw siya para sa asawa’t anak kahit na malakas na siya. Imagine, wala sa hitsura niyang nagkaroon siya ng pneumonia at bronchitis na kung mahina lang siguro ang immune system niya, baka bumigay na ang katawan niya.
Maraming takot magka-pneumonia ngayon dahil sa nangyari sa Taiwanese actress na si Barbie Hsu na nagbakasyon lang sa Japan pero inubo (influenza) na nauwi sa pneumonia at ikinamatay na niya. Abo na siyang iniuwi sa kanyang pamilya sa Taiwan.
“I’m moving forward, and I think I need to have better choices for my health because my child needs a healthy mother. And buti na lang napagtagumpayan natin ang back-to-back respiratory ailments nung time na ‘yon. But yeah, otherwise, honestly, because of Direk Shugo (Praico of Caretakers), Shugo’s notes, his script, my co-actors, of course, particularly Dimples, my children here, and my scene partners, it was not hard at all. I can’t say it was a walk in the park, but everybody, the production team, really made my job easier,” pahayag niya na laging pinatutunayan sa bawat pelikulang gawin ang kahusayan bilang isang actress.
- Latest