Pinoy na ma-showbiz, hina-hunting ng inutangang kababayan
‘Kaloka naman kung totoo ang modus ng isang Pinoy na nagki-claim na concert producer siya sa Amerika.
Markado na raw ito sa Filipino community sa Los Angeles, USA dahil sa ‘di pagbabayad ng utang sa mga kababayan natin doon ayon sa narinig kong kuwento.
Ang modus daw nito, makikipag-clossy-clossy sa mga artista na nagsho-show sa US at ‘pag nasa Pilipinas ito, panay ang pa-piktyur/selfie sa local celebrities dito. Tapos pagbalik sa US, pinagkakalat daw agad nito na mga friend niya ang kasama sa picture na pinaniniwalaan naman ng ibang mga kababayan natin.
Madalas din daw ay nag-aapply itong PA (production assistant) sa mga Pinoy artist na nagso-show doon.
Kaya naman daw marami itong nabobolang mga kapwa Pinoy sa Amerika laluna pagdating sa pera. Yup, nangungutang daw ito. Pero ang siste, wala raw bayaran. I mean namumuti na raw ang mata ng mga nautangan niya pero walang pasabi o message man lang na magbabayad na siya.
At hindi raw barya-barya ha, milyones ayon sa kuwento ng source. May isa raw itong inutangan na nag-iisip na kasuhan na ito kung hindi pa talaga ito magbabayad.
Nakakaloka. Ang tanong, may pambayad kaya siya? Awwws... Kung totoo ito, mas mabuti sigurong magbayad na lang siya.
- Latest