^

PSN Showbiz

ABS-CBN, todo pasasalamat sa kongreso

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN, todo pasasalamat sa kongreso
Bobby Barreiro

Todo pasasalamat ang ipinarating ng ABS-CBN sa lahat ng mga Kongresistang sumusulong na magkaroon ito ng bagong prangkisa.

Suportado nga nila ang hakbang ng ilang mga miyembro ng Kongreso na bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN para makapaghatid ng serbisyo sa lahat ng manonood lalo na at ang daming ganap sa ating bayan. Ito ay ayon sa mga opisyal ng kumpanya na dumalo sa briefing ng House Legislative Franchises Committee ukol sa franchise nito noong Pebrero 4.

“Nagpapasalamat din po kami sa lahat ng mga miyembro ng Kongreso na naniniwala sa layunin ng ABS-CBN na maglingkod sa ating mga kapwa Pilipino. We especially thank members of congress who have authored, co-authored, or co-sponsored house bills to grant ABS-CBN a new franchise,” pahayag ni Bobby Barreiro, chief partnership officer ng ABS-CBN.

Binigyang-diin din niya na patuloy ang ABS-CBN sa paggawa ng mga kwento na maghahatid ng magandang mensahe sa mga manonood sa kabila ng mga dagok na kinaharap ng kompanya.

“ABS-CBN has always been guided by a clear mission to be in the service of the Filipino and our audiences worldwide. Even as everything around us changes, we strive to deliver on this mission by creating quality content that touches, inspires, and empo­wers our audiences,” sabi pa niya.

Para rin daw sa ABS-CBN, ipinapamahala na nila sa Kongreso ang desisyon ukol sa kanilang prangkisa. Basta patuloy raw silang gagawa ng paraan para makapagbigay-serbisyo sa mga manonood kahit anuman ang mangyari.  “The biggest loss has been our ability to reach our former audiences and the farthest and poorest corners of the country. If restoring our franchise allows us to reach them again and provide more options to all viewers, and if Congress feels this is a worthwhile objective, we would fully support the achievement of this shared ambition,” sabi pa niya.

Ayan talaga ang aabangan kung kailan magkakaroon ulit ng franchise ang Kapa­milya channel na sa true lang ay parang hindi na ramdam na wala silang franchise dahil ang lalaki rin naman ng mga programa nila like Incognito.

Importante rin sana sila ngayong election dahil sa maraming kumakalat na fake news sa social media.

ABS-CBN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with