Sofia, tuloy ang ‘paghihiganti’ kay Max

Naging usap-usapan ang pagtakip ni Sofia Andres sa mukha ni Max Collins sa litratong ini-repost nito sa social media.
Nag-post ang sikat na fashion magazine tungkol sa luxury brand na Dior kung saan na-feature sina Sarah Lahbati, Heart Evangelista at sina Sofia Andres at Max Collins.
Pero sa repost ni Sofia, merong malaking asul na puso na may nakasulat na “DIOR” na nakatakip sa mukha ni Max habang sa repost naman ni Max ay normal lamang nitong ipinost ang larawan.
Kaya naman kanya-kanyang komento na naman ang mga marites na hindi nagustuhan ang ginawa ni Sofia.
Tinawag siyang childish at bitter ng mga netizen sa ginawa niyang pagtakip.
Mukhang hindi pa raw nakaka-move on si Sofia sa naging issue nila ng kanyang stylist.
Maaalalang nag-emote noon si Sofia tungkol sa pagkasira ng tiwala niya sa taong tinuring niyang kapatid at kaibigan.
At doon nga sinabi na kumalas siya sa stylist na si Steph Aparici na napunta nga raw kay Max Collins.
Para na rin daw mala-Heart Evangelista at Pia Wurtzbach ang intriga sa kanila.
Cheap tuloy ang tingin ng mga netizen kay Sofia.
Mahilig nga raw itong magpasaring at hindi nga ito ang unang beses na ginawa niya iyon.
Iba naman daw kasi talaga ang ganda ni Max na mala-diyosa raw kung ikukumpara sa kanya.
Biro tuloy ng mga netizen ay baka lalong umusok ang ilong ni Sofia kapag nalaman niyang nasa New York si Max para rumampa sa Fashion Week. Nasa kanya raw talaga ang korona.
‘Kaloka sila noh. Tumigil sila. Buti nga may career pa sila sa social media noh. Kung walang social media, baka waley na sila.
Babu.
- Latest