^

PSN Showbiz

Paolo, nagsalita sa paglaya ng amang si Dennis Roldan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paolo, nagsalita sa paglaya ng amang si Dennis Roldan!
Paolo Gumabao

Nakatsikahan namin si Paolo Gumabao sa 60th birthday celebration ng producer ng BG Productions na si Ms. Baby Go na ginanap sa Valle Verde Country Club noong Miyerkules ng gabi.

Isa si Paolo sa maagang dumating, kaya kinlaro namin sa kanya kung totoo bang nakalabas na ng kulungan ang ama niyang si Dennis Roldan.

May nagtanong kasi sa amin noong nakaraang Pasko kung totoong nai-release na ang dating aktor na si Dennis Roldan.

Hindi naklaro sa amin kung binigyan ng clemency o natapos na talaga ang sentensya sa kanya. Ang sabi lang sa amin noon, baka pina-news blackout ang pag-release kay Dennis.

Pero hindi raw totoo ‘yun, nagulat pang reaksyon ni Paolo Gumabao. “Parang wala naman. Kasi, if ever po kung totoo man, kasama ako dun sa unang makakaalam. Pero wala naman po,” pakli ni Paolo.

Hindi lang daw nila nakasama ang kanyang ama noong nakaraang Pasko dahil nasa Taiwan daw siya. Pero dinalaw naman daw niya ito bago nag-Pasko. “Hindi ako nakapunta personally nung Christmas kasi nasa Taiwan po ako nag-Christmas e, with my family… sa Taiwanese family ko po. Nakita ko po siya last year mga September, October.

“Bumisita po kami dun sa… ako at saka si Marco (Gumabao) lang po pumunta,” sabi pa ni Paolo.

Samantala, napangiti lang ang aktor nang sinabi ko sa kanya na napanood ko siya sa pilot episode ng Incognito. Isa siya sa sangkatutak na artistang nag-guest sa naturang action-drama na series.

Iyong kakapiranggot na eksena ni Paolo ay kinunan pa pala ‘yun sa El Nido. Ayaw na lang niya masyadong pag-usapan, dahil nagkaroon lang daw ng miscommunication sa role na dapat niyang gampanan.

Parang one of those lang kasi siya roon, pero nagkaroon lang daw ng ‘di pagkakaintindihan sa kung ano ang role na gagampanan niya.

Since nandun na siya sa set, ginawa na lang daw niya at natapos naman daw niya nang maayos.

Ipinakita na rin doon sa birthday party ni Madame Baby Go ang trailer ng pelikula niya na Summer In Prague na prinodyus ng Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio. Kinunan ang majority na bahagi ng pelikula sa Prague kasama ang Czech Republican actress na si Sara San­deva. Sa May na raw ito iso-showing sa mga sinehan.

Doon pa rin sa birthday celebration ni Baby Go, in-announce ng lady producer na mas magiging active ang kanyang BG Productions ngayong 2025.

Inaayos na raw nila ngayon ang final casting ng mga pelikulang gagawin nila na ang iba ay isu-shoot sa Brazil, Bahrain at Australia. Pero ang natuwa kami ay finally, magbida na si Baby Go sa isang short film na isasali nila sa ilang international film festivals.

Ang title ng short film ay Madam na sinulat at dinirek ni Ralston Jover. Kasama niya rito sina Allen Dizon, Rico Barrera, Benjie Felipe at iba pang artistang naging close ng lady producer.

Mark, nangabog sa FTWBA

Masaya ang mga taga-Imus Productions dahil maganda ang rating ng finale episode ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis noong nakaraang Linggo.

Naka-9.5 percent ito at maganda na ito kung ikumpara sa ibang programa bumababa ang viewership.

Nitong mga nakaraang araw, kapansin-pansin ang pagbaba ng viewership, lalo na sa panghapong shows.

Noong nakaraang Biyernes, Jan. 31, na kung saan ay nag-guest ang grupong BINI sa Fast Talk With Boy Abunda, naka-3.8 percent lang ang rating nito.

Mas mataas pa ang guesting ni Mark Herras sa Fast Talk with Boy Abunda noong Martes, Feb. 4 na naka-4.3 percent pa ito.

PAOLO GUMABAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with