Kris, naaasikaso pa rin daw ang pagsa-shopping; malabong bumalik sa hosting?!

Kahit pala nananahimik si Kris Aquino sa kasalukuyan, nag-o-online shopping pa rin diumano ito. May mga order pa rin daw ito sa kaibigan niyang personal shopper ng mga favorite bag niya para sa kanya at dalawang anak na sina Joshua and Bimby.
Matagal nang hindi nagpaparamdam sa social media si Kris at wala siyang update sa mga ganap sa kanilang mag-iina sa kasalukuyan maging sa kalagayan ng kanyang kalusugan.
Pero ang isang sure diumano ayon sa mga source, malabo raw itong maging active ulit sa pagho-host. Kailangan pa diumano nitong magpalakas.
Huling post niya ay last November pa.
- Latest