^

PSN Showbiz

Pinoy zombie action movie, gumamit ng AI!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pinoy zombie action movie, gumamit ng AI!
Lisik Origin Point
STAR/File

Kakaibang zombie action movie ang Lisik Origin Point na first time sa pelikulang Tagalog na mapapanood sa mga sinehan starting Feb. 19. Produced ito ng Domniel International Films Production. “Ang Lisik Origin Point ay tungkol sa mga estudyante, how their normal lives were disrupted. So, you can see, if you watch the movie, makikita natin ‘yung mga interrelationship nila sa isa’t isa, kung paano sila namumuhay, kung sino ‘yung mga magkakaibigan, sino ‘yung mga mga kagrupo. And then, dun sa story, suddenly, their world goes upside down because of an experiment done by one of their professors na nag-cause nitong zombie outbreak na ito. So, mai-explore po natin sa movie ‘yung resilience ng mga student, resilience ng friendship nila at pagtutulungan nila, at saka ‘yung value ng loyalty,” pahayag ng executive producer ng pelikula na si Dominic Orjalo.

At para ma-achieve aniya ang ibang approach nila sa pelikula gumamit na sila ng artificial intelligence. “‘Yun po ang gusto ng kabataan, ng mga millennial, mga young at heart. Saka ‘yung zombies sa ibang movies predictable eh. Parang normal lang siya eh, unlike ito kakaiba kasi guma­mit kami ng artificial intelligence o AI, gumamit kami ng CGI, mga visual effects kakaiba ‘yung amin, na hindi pa nakikita sa mga Philippine mo­vies,” dagdag pa niyang paliwanag.

Ang Lisik Origin Point ay sinusundan ang kwento ni Kara (Grace Rosas Tayo), isang senior high school student na nakipagbuno sa malagim na pagkamatay ng kanyang na-bully na kapatid. Ang kanyang kaklase at kaibigan na si Elisha (Nika De Guzman), ay nilamon ng galit sa mga bully na pinamumunuan ni Max (Jeremiah Allera).

Isang movie fan at favorite genre ni Dominic Orjalo ang science fiction.

Na ginawa nga niya rito sa Lisik Origin Point, kakaiba ang istorya at bongga ang special effects.

Mga estudyante ang bida sa pelikula na ayon sa executive producer ay upang mahasa pa ang talent and skills ng kanilang mga estudyante.

“I want to showcase these talents in the world of filmmaking. And this is just the beginning of an exciting journey for the Filipino film industry,” dagdag pa ni Mr. Orjalo.

At ayon sa producer, umabot sa P10 million ang gastos nila sa pelikulang ito.

Isa sa na-encounter nilang problema ay ang mga naunang humawak nito.

“Naka-ilang director ako na hihingi lang ng budget pero hindi naman nakakapag-deliver,” aniya.

Hanggang nakilala niya si Direk John Renz Cahilig. “Si John lang ang nakabuo ng pelikulang gusto ko,” sabi pa niya.

Kasama rin sa cast nito sina Revers Quilario, Joshua Cantuba, Rain Mirasol, and Jossah Mae Sison.

ZOMBIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with