^

PSN Showbiz

Booking sa Gay Bar ni Mark, aprubado ng kanyang misis

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Booking sa Gay Bar ni Mark, aprubado ng kanyang misis
Boy Abunda at Mark Herras
STAR/File

Kontrobersyal ang ginawang pagsasayaw ni Mark Herras sa isang gay bar kamakailan. Para sa aktor ay wala namang masama sa kanyang ginawa upang kumita para sa sariling pamilya. Tanggap umano ni Mark na talagang hindi nananatili ang katanyagan ng isang artistang tulad niya. “Actually, sa nangyari, it’s part of my career. Parte ‘yan ng showbiz na hindi ka naman talagang habambuhay nasa limelight, Tito Boy. Ako honestly, hindi ko nilalagay sa utak ko na laos na ako. Nagpasalamat na ako sa narating ko,” makahulugang pahayag ni Mark sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Nagpaalam pa umano ang aktor sa kanyang misis na buntis sa kasalukuyan bago tanggapin ang booking sa gay bar. Hindi na lamang pinapansin ni Mark ang mga komento ng netizens nang kumalat sa social media ang kanyang video na sumasayaw. Dumami rin ang trabahong nakatakdang gawin ng aktor ngayon dahil sa nag-viral niyang video. “Kaysa isipin ko ‘yung mga problema or stress sa buhay ko, kailangan ko mag-provide eh. Ang nasa mindset ko, trabaho, kailangan kong magtrabaho. Ba’t ko pa iisipin ‘yung iniisip sa akin ng mga tao na, ‘Baka wala nang career, desperado na ‘yang si Mark.’ Eh ‘pag iniisip ko ‘yon, paano na ‘yung pamilya ko?” giit niya.

Kung sakaling mapanood ng mga anak ang video ni Mark na nagsasayaw sa gay bar ay hindi raw ito ikahihiya ng aktor. Sa halip ay ipaliliwanag nang maayos ng aktor sa mga anak kung bakit niya ito nagawa. “It’s about me providing for you, guys. It’s about me doing work or doing my job, doing my job being a father, being a husband. Everything that I do is for you, guys,” giit ni Mark.

Taong 2021 nang magpakasal sina Mark at Nicole Donesa. Magiging dalawa na ang anak ng mag-asawa ngayong taon. Mayroon ding naunang anak si Mark sa dati nitong handler. Sa ngayon ay hindi umano nakikita ng aktor ang panganay na anak. “Actually, Tito Boy, parang ano siya, hindi ko na siya iniisip masyado. Kasi there’s this na parang medyo ibang deeper na dahilan. Kung bakit hindi na siya napag-uusapan or what. Parang wala lang, hindi ko na siya masyadong iniisip muna,” pagtatapat ng aktor.

Taong 2003 nang unang sumikat si Mark bilang Ultimate Male Survivor ng StarStruck kung saan ay si Jennylyn Mercado naman ang naging Ultimate Female Survivor. Simula noon ay kabi-kabilang proyekto na ang ginawa nina Mark at Jennylyn. Sa mga nakalipas na taon ay walang naging regular na trabaho ang aktor. Hindi naman umano nagtampo si Mark sa GMA Network. “Nalungkot lang na ‘di ako ni-renew ng Sparkle. Pero tampo, hindi. Kasi, Tito Boy, hindi ako matampuhing tao eh. Kumbaga ang dami kong kailangang intindihin sa buhay ko kaysa magtampo pa sa network, kaysa awayin ko pa si ganito,” pagtatapos ni Mark. (Reports from JCC)

MARK HERRAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with