Kylie, parang laging pasan ang daigdig

Mahaba ang post ng aktres na si Kylie Padilla tungkol sa single motherhood kung saan tila nilabas niya ang mga frustration niya sa pagiging single mom.
Sinabi niya roon na pinakamahirap daw ang single motherhood dahil parehong nanay at tatay ang papel sa mga anak. Pareho raw nurturer at disciplinarian pero higit sa lahat ay protector.
Marami pang ibinahagi si Kylie sa kanyang post kung saan tila ang bigat-bigat ng nararamdaman niya.
Ilan din sa nabanggit niya ay hindi raw siya makapaghintay na sabihin sa mga anak ang katotohanan na hindi raw siya ang superhero kundi ang pagmamahal ng mga anak ang sumagip sa kanya.
Sila raw ang superhero niya.
Kanya-kanya namang opinyon ang mga netizen.
Mukhang brokenhearted daw diumano si Kylie na usap-usapang hiwalay na sa naging karelasyon niyang tattoo artist kaya nag-e-emote ito.
Parang nagpaparinig daw kasi ito sa naging karelasyon.
Pinayuhan pa siya ng mga ito na hindi lalake ang magpapasaya sa kanya kaya sana raw tigilan na nito ang pagpaparinig lalo na at sa ganda nito ay hindi bagay sa kanya ang magparinig.
Ang ibang netizen naman ay nagtaka kung bakit tila parang pasan nito ang daigdig gayung buhay pa naman ang tatay ng mga anak nito na si Aljur Abrenica at nariyan ang ama niyang senador, Sen. Robin Padilla, na tiyak na nakaalalay sa kanya at pati raw ang mga yaya at driver.
Dinepensahan naman siya ng mga tagahanga niya. Huwag daw sanang i-invalidate ang nararamdaman nito dahil kung binasa raw ang post nito ay meron itong anxiety at depression na hindi madali sa mga dumaraan doon.
Mayaman o mahirap ay nakakaranas daw talaga ng challenges sa pagpapalaki na anak.
Ganun. Naku kung ako kay Kylie, maging thankful na lang siya na may trabaho siya at malusog noh. ‘Wag nang mag-emote.
Hindi na uso ngayon ang emotera noh.
- Latest