^

PSN Showbiz

Maraming artista, magiging abala na rin sa kampanya

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Maraming artista, magiging abala na rin sa kampanya
Camille Villar at Toni Gonzaga
STAR/File

Simula na ng kampanya sa mga senador at party-list sa Feb. 11 – at para sa mga taga-showbiz, panahon na naman ‘yan para kumita!

Si Piolo Pascual kasama nina Toni at Alex Gonzaga kasama na ni Camille Villar.

Nauna na si Sen. Bong Revilla na nakapag-ikot para sa finale ng sitcom niya with Beauty Gonzalez.

Mga taga Eat Bulaga, ready para kay Tito Sen (Sotto).

Si former VP Leni Robredo, binuhay na ang puwersa ng Liwanag sa Dilim para sa pagbabalik Senado nina Kiko Pangilinan at Bam Aquino.

Mga taga-Batang Quiapo at Probinsyano tutulong kaya kay Lito Lapid?

Si Willie Revillame, sure na bang mamimigay ng jacket?

Si Kuya Ipe (Phillip Salvador) at Atty. Jimmy Bondoc, ano kaya ang masasabi sa impeachment move kay VP Sara Duterte sa Congress?

Gaano nga ba kahalaga at kamahal ng pag-engage ng mga artista para mangampanya sa eleksyon ngayon, aber? Abangan!

Yasmien, muntik mademanda?!

Nagho-homeschooling na ang anak ni Yasmien Kurdi sa kabila ng isyung pangbu-bully diumano sa anak niya sa eskwelahang pinanggalingan. Sa imbestigasyon pala ng paaralan, napabulaanan ang ganung paratang, at muntik palang magdemanda pa ang magulang ng mga nasabing bata nang mag-post si Yasmien sa IG Stories ng may photos ng ibang mga bata na nakaalitan ng anak niya nang hindi umano nakapag-deliver ng responsibilidad na iniatang sa kanya sa school.

Sana payapa na ang lahat sa mga desisyon nila sa buhay at wala nang parunggitan pa.

Mark, papasok sa PBB?!

Pag-iisipan daw nang mabuti ni Mark Herras kung papayag siyang maging celebrity housemate sa Pinoy Big Brother na joint venture ng ABS-CBN at GMA?

Para sa isang kailangang bumalik sa eksena sa showbiz, magandang opportunity ito – pero ano kaya ang konsideras­yon ni Mark?

Prior skeds ba? Baka may sagasa sa ibang natanggap na trabaho?

O compensation, o bayad talaga sa PBB kung sapat ito at kasing laki ba ng matatanggap sa iba niyang raket?

And this is not up to Mark lang ha. Hintayin natin ang desisyon ng mga kinauukulan. Gusto rin ba siyang ilagay ng bosses pagkatapos siyang bitawan ng Sparkle, ‘di ba?

ASAP artists, kayang magpuno ng concert

Nag-kick off na ng 30th anniversary celebration ang ASAP noong Sunday, at totoo bang buong taong ice-celebrate ito to culminate with a major concert at the end of it? Bongga, ‘di ba? Paying naman kasi ang audience ng ASAP artists kaya kayang-kaya nilang mag-big concert – kahit solo-solo nga nila eh, at hindi nagkukumahog sa ticket sales.

On the flipside, meron din namang nagre-rate sa TV pero hindi bumibili ng tickets sa shows. Bakit kaya?

Nakakataquote:

“Regardless of what you think or feel about their personal choices, there is no denying whatsoever ... that these two are samples of the BEST YOUNG ACTORS in our local entertainment universe today. Add Kaila Estrada to the fray. They elevate their TV series far above the complexities of action scenes.

“I am their fan.”

– Direk Joey Reyes, Film Development Council of the Philippines chair

CAMILLE VILLAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with