Angel, pini-pressure na bumalik sa showbiz

Nag-trending na naman kahapon sa X si Angel Locsin.
Talagang consistent ang fans niya sa pagiging hopia sa actress na halos two years nang nanahimik.
May post ang admin nito (na malamang daw ay ang mister niya) sa Facebook na ayon sa iba ay file photos ni Angel at mister na si Neil Arce sa Bukidnon. Dahil dito nabuhayan ng dugo ang kanyang fans.
Pero ayon sa ilang source, maligaya si Angel sa kanyang pribadong buhay ngayon at ang alam daw nila wala pa sa vocabulary nito ang showbiz.
Totoo ba, enjoy diumano ito sa online gaming?
- Latest