^

PSN Showbiz

Pinagmamalaki pa...Herlene, nag-take advantage kina Tony at Kevin!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pinagmamalaki pa...Herlene, nag-take advantage kina Tony at Kevin!
Herlene Budol at Tony Labrusca

Sa gitna pa rin ng isyu ng sexual harassment na kinasangkutan ng ilang celebrities, binalikan namin kay Tony Labrusca ang ganung karanasan na kinasangkutan niya noon.

Hindi siya ang sexually harassed, kundi napagbintangan  na nambastos siya na umabot pa sa demandahan.

Hiningan namin siya ng opinyon tungkol dito nang makatsikahan namin siya noong Lunes sa media conference ng first show niya sa GMA 7 na Binibi­ning Marikit, kasama si Herlene Budol. Ani Tony, “Ngayon, times are changing ‘no? Marami rin na, ‘yun nga, marami rin na biktima na pinagbintangan din ng sexual harassment, katulad ko na kinasuhan ako na you know in the end, kami ‘yung nanalo sa kaso.

“Kaya, I think , times are changing na. We all have to be extra careful kasi, hindi na natin alam kung saan manggagaling ‘yung attack ng kung sino man, alam mo ‘yun?

“So… and everything is on social media now. Hindi lang nga social media e, may AI (artificial intelligence) pa tayo. So, I don’t know. I guess, yeah… mas kailangan din mag-ingat. But you know, at the same time, enjoy your life. We only have one life to live. Basta lang hindi mo sinasaktan ‘yung sarili mo, wala kang tinapakan na ibang tao, alam mo ‘yun. Enjoy! I think life is meant to be your joy.”

At lalo raw mag-ingat ngayon sa mga taong pinakikisamahan mo. “Kailangan din naman e. Saka, everyday pinagpi-pray ko lang, Lord, please guide me, you know. Bring the right people to me. Si Lord na ang bahala sa ‘yo, siya na ‘yung magi­ging best defender mo,” sabi pa ng actor.

Doon pa rin sa media conference ng Binibi­ning Marikit, riot ang kagagahan ni Herlene nang mapag-usapan ang kissing scene niya sa dalawang leading men na sina Tony Labrusca at ang Thai-Irish model na si Kevin Dasom.

Bago nagsimula ang mediacon, ikinuwento na ni Herlene kay Kuya Lhar Santiago na na-enjoy niya ang pakikipaglaplapan niya sa dalawang leading man niya. “Masarap!” sabi niya kissing scene nila ni Tony. “Sangkabaklaan, sangkababaehan, pangarap malaplap ‘tong Tony Labrusca na ‘to! Naku! Huwag na tayo magpaliguy-ligoy pa. Sorry po, Madame. Excuse po to my mouth! Kasi naman pinairal naman ‘tong kalandian nito,” dagdag niyang pahayag.

Pero ang suwerte nga raw niya na ang guguwapo ng mga nakahalikan niya rito sa Binibining Marikit. “Napakasuwerte ko rito sa Binibining Marikit na to! Ang babango ng hininga. ‘Tong toothbrush ko itinabi ko sa pagtulog. Kasi first kiss ko ‘to, ganun!

“Basta, hindi natin alam kung sino dito ang best kisser. Kasi dalawa sila, nalaplap ko! Oo! Professional na professional. Talagang nag-take advantage na lang ako. Pero nagpaalam naman ako. ‘Ano? I-take advantage na kita ha? Galingan ko na, kasi ang tagal ko na rin namang walang…’”

“Ang bunganga ko talaga!” bulalas ni Herlene na sinita na ang sarili.

Kaya hiningan ng reaksyon si Tony sa mga sinabi ng leading lady niya. “Ang sa akin, lagi kong sinasabi. Ito nga ‘yung gustung-gusto namin kay Herlene, na ganito sa set kaya masaya kami. So, alam mo ‘yun. We come on set, we do our best, pero masaya ako na ganito ‘yung mga vibes namin sa set na masaya lang, we’re there for each other.”

Para kay Tony ba ay good kisser din naman itong si Herlene? “Good kisser, parang nahihiya lang. Parang feeling ko tuloy ako ‘yung rawrr!” napapangiting sagot ni Tony. “Rawrr ka naman talaga,” sagot sa kanya ni Herlene.

Medyo nahiya pa si Kevin nang hiningan siya ng reaksyon sa mga pinagsasabi ni Herlene. “It’s been amazing working with Herlene and Miss Pokwang, and everyone on set as well. I don’t feel like I’m a newcomer here, welcoming me, like I’ve been here for 25 years,” safe lang na pahayag ni Kevin.

Vice, may wish sa mga breadwinner

Si Vice Ganda ang ipinakilalang bagong endorser ng Sante Barley sa Sante Salvo 2025 na ginanap sa World Trade Center noong Linggo, Feb. 2.

Bago tinawag ang iba pang endorsers na sina Vic Sotto at Kim Atienza, unang isinalang si Vice Ganda na kung saan nagkaroon ng maikling question and answer portion kasama ang CEO ng kumpanya na si Mr. Joey Marcelo.

#LiveForMore ang campaign ng Sante Barley at ikinonek ito ng Unkabogable Star sa kanyang ina na bago ang kung sino pa man, ang kanyang ina ang lagi niyang hinihiling na humaba pa ang buhay.

Nagpapasalamat siyang tini-take na rin daw ng nanay niya ang naturang organic na produkto. “Kung meron mang tao sa buong mundo na ipagdarasal ko na for her to be able to live for more, ‘yun ‘yung nanay ko. Masaya ako dahil isa ito sa mga nagbibigay sa akin ng paniniwala na ‘yung nanay ko mas hahaba pa ang buhay, mas hahaba pa ‘yung pagkakataon namin na magkasama, mas magiging maligaya pa kaming magkasama,” saad ni Vice Ganda.

Sa naturang event ay nagbigay siya ng mensahe sa breadwinners na alam niyang halos lahat doon ay kagaya niyang breadwinners. Aniya, “Alam ko ginagawa n’yo ang ginagawa n’yo ngayon hindi lang para sa mga sarili ninyo. Dahil ang pangarap ninyo ay hindi lang pangarap para sa mga sarili ninyo. Pangarap n’yo yan para sa buong pamilya n’yo, sa mga taong mahal n’yo.

“And all of you worked very hard to achieve your biggest dreams not just for yourselves but for the family, your most loved ones ‘di ba?,”  mahaba niya pang sabi.

ACTRESS

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with