Marian, araw-araw binabasahan ng bibliya ang mga anak

Kamakailan ay ipinagdiwang nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang kanilang ika-sampung taong anibersaryo bilang mag-asawa. Ikinatuwa umano ng mga anak na sina Zia at Sixto nang muling mag-propose si Dingdong kay Marian. “Malinaw sa amin at pinagkasunduan namin na ang pagmamahalang ito na tumagal ng sampung taon ay relationship naming dalawa kasama na ang mga bata. Gusto naming makita ng mga bata kung saan kami kinasal, kung ano ang ibig sabihin ng love at kung gaano namin kamahal ang isa’t isa. Kinilig ang mga bata, ‘yon talaga ang nagma-matter sa akin. Sa mata ng mga anak ko at sa harap ng asawa ko, ‘yon talaga ang totoong buhay na pinapangarap ko,” nakangiting pahayag ni Marian sa ABS-CBN News.
Ayon sa aktres ay mayroon sila ngayong bagong pinagkakaabalahan sa gabi bilang isang pamilya. Kahit pagod sa trabaho ay sinisikap nina Marian at Dingdong na makapag-bible study na kasama ang mga anak. “That’s what’s new in our bonding kahit isang verse lang from the bible. Kahit nagkakandaduling-duling ako sa trabaho, we do bible study every night at nakakatulong sa amin. We ask each other what’s the meaning of that particular verse to us what they can share about that verse,” pagbabahagi ng Kapuso actress.
Abala man sa kabi-kabilang trabaho ay palaging nakatutok si Marian sa dalawang anak. Kinakamusta palagi ng aktres kung ano ang mga nangyari sa buong araw nina Zia at Sixto sa eskwelahan. “Kapag uuwi sila ng bahay, hindi pwedeng matapos ang araw na hindi ko kinakausap and so heart to heart talk about what happened to their day. Palagi akong involved sa mga bata. Every night, hindi pwedeng hindi kami nag-uusap. Kailangan mapiga ko kung anong nangyayari sa kanila. That’s the challenge to me. Kahit na pagod ako, kailangan na marami akong time sa mga anak ko,” paglalahad niya.
Daniel, may gustong balikan
Gabi-gabing napapanood si Daniel Padilla sa Incognito. Espesyal para sa aktor ang bagong serye na aksyon ang tema na pinagbibidahan nila nina Richard Gutierrez, Baron Geisler, Kaila Estrada at Ian Veneracion. “Siyempre espesyal sa akin ang Incognito dahil ito ang unang serye ngayong taon. At sa tulong ng produksyon at kapwa ko artista ay natawid namin nang maayos ang mga eksena. Disiplina at dedikasyon talaga ang ilalaan mo para matawid ito. Makikita nilang lahat ito kapag napanood na nila,” bungad ni Daniel.
Nagpaplano ang aktor na muling pagtuunan ng panahon ang pagkanta ngayong taon. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong makapaglunsad ni Daniel ng bagong single. “I’m not saying that I’m really going to focus on it, but music is my passion and I really like to do it during my leisure time. My taste in music is still the same. Maybe there will be plans to release a new single too,” pagtatapat ng binata. — Reports from JCC
- Latest