^

PSN Showbiz

Mas priority na pakainin ang pamilya... Mark, proud sa pagsasayaw sa gay bar

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mas priority na pakainin ang pamilya... Mark, proud sa pagsasayaw sa gay bar
Mark Herras

Ang bilis na-sold-out ang tickets sa Apollo Male Entertainment bar pagkatapos ng announcement na babalik si Mark Herras para mag-perform.

Noong Biyernes ng gabi ang performance niya na ayon sa aming napagtanungan, may mga gusto na raw magpa-reserve na maka-table siya. Pero ewan ko kung tinanggap niya. Malamang na inabot sila ng umaga kaya ‘yung mga pinagtanungan namin ay tulog pa.

Pero bago pa bumalik si Mark sa naturang gay bar, lumabas naman ang interview ni Toni Gonzaga sa Kapuso actor sa kanyang You tube channel na Toni Talks. Ipinagkibit-balikat na lamang ni Mark ang mga nagko-comment sa kanyang pag-perform sa Apollo Male Entertainment Bar. “Grabe ang mga Pilipino na mag-judge ng tao e. Parang akala nila meron silang karapatan mag-judge sa buhay ng ibang tao,” himutok ni Mark.

Pagkatapos nga raw niya mag-perform noong Jan. 10, kaagad na nag-viral siya at pinag-usapan sa social media. “And then after, like a day or two ‘yun nag-trending na siya, na parang, ‘Mark Herras, Sumayaw.’ Tapos, dumikit na ‘yung, ‘wala na kasing career kaya sumayaw sa gay bar.’ Tas, si Manay (Lolit Solis) pa nagbitaw na ah nalulungkot daw siya kasi hindi ko raw pinipili ‘yung mga trabaho ko,” saad ni Mark.

“Siyempre nagulat ako na nag-viral siya, tapos natuwa kasi may nagde-defend. May ibang mga press na alam mo na tatawa-tawa pa habang kinukuwento. Talaga ba? Pinagtatawanan n’yo pa ako? Parang hindi naman ako humihingi ng awa, pero nasa stage ako ng buhay ko na wala akong pakialam sa mga sinasabi nila,” dagdag niyang pahayag.

Pinuri ni Toni si Mark na hindi siya nagpaapekto sa sinasabi ng mga tao. Pero alam niyang mas apektado ay ang kanyang asawang si Nicole Donesa. “Lagi kong sinasabi sa kanya na stop reading things na alam mong hindi maganda ‘yung magiging kalalabasan. Kasi, kami mostly nag-aaway kaming mag-asawa kapag tinatanong niya ako paulit-ulit. Ayoko kasing paulit-ulit e.”

Ganyan naman daw talaga ang mga babae, depensa naman ni Toni.

Para kay Mark, tapos na raw siya nung kabataan niyang iniisip pa niyang baka makasira sa image niya. “Wala naman kasi ako sa point na wala na akong pinoprotektahan na image ko. Ever since naman ganun ako e. Parang… nagpapakita ako before na nagyoyosi ako. Ganun ‘yung nangyayari.

“Kaya ako, ‘yung sinasabi nila about nagpabaya or what. Hindi ako nagpabaya. Talagang kuntento na ako sa narating ko, nagkataon talaga na wala na masyadong offer sa 7, ‘di ba? Ang huling project ko is Abot-Kamay na Pangarap ni Jillian (Ward).

“Kumbaga, para sa akin trabaho pa rin ‘yun. Kumbaga, ‘yung role ko parang bodyguard killer, hindi ako namimili. Basta trabaho, okay ako. So ngayon, in-offer=an ako sa Apollo, why not? Trabaho ‘yun e.

‘Meron nga akong tinatanggap na trabaho, ‘pag nagpe-perform ako parang sa party lang na maliit, still it’s work, trabaho. ‘Pag tinanggap ko ba ‘yun, ‘yung mga nagko-comment, ‘yung nagsasabi sa akin na laos, na ganito, etcera, blah blah, pakainin ba nila ‘yung pamilya ko? Hindi naman ah!” diretsong pahayag ni Mark na hindi ikinahihiya ang pagsayaw niya sa gay bar.

Sen. Bong, itutuloy ang matigas...pagkatapos ng election

Ngayong Linggo ng gabi na mapapanood ang last episode ng season 3 ng Tolome, Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis na talagang ipinagmalaki ni Sen. Bong Revilla dahil parang pelikula lang daw ang execution ng mga eksena.

May pa-multiverse si Sen. Bong dito na kung saan magkasama sa eksena sina Tolome at Alyas Pogi. Proud si Sen. Bong sa ginawang ito ni direk Enzo Williams. “Kaya maganda kapag mapanood nyo. Kung wala kayong gagawin mamaya, panoorin n’yo ‘yung last episode ng Tolome, ‘yun ‘yung magandang mga… ipinagmamalaki ni direk ‘yung episode na ‘yun. Parang pelikula. ‘Yung tumalon ang motorsiklo ni Pogi… nakasakay sa motor.

“Hindi pang-TV ‘yung ginawa namin, pampelikula. At least itinaas ‘yung level ng series ‘no? ‘Yung standard sa television,” sabi pa ni Sen. Bong.

Pagkatapos ba ng eleksyon ay babalik ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis?

“Yes tuloy pa rin,” mabilis na sagot ng actor/politician.

‘Yun pa rin daw ang casting, lalo na si Gloria ang asawa rito ni Tolome na ginagampanan ni Beauty Gonzalez. Ang dami ngang natuwa sa tandem nilang dalawa, dahil meron agad silang chemistry.

ACTOR

MARK HERRAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with