^

PSN Showbiz

Dennis, tinuturuan sa rom-com!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Dennis, tinuturuan sa rom-com!
Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, at Sam Milby

Inilabas na ang official trailer ng Everything About My Wife, ang pelikula nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kasama si Sam Milby. Parang rom-com ang movie, malayo sa Green Bones kung saan maraming pinaiyak si Dennis sa pagganap niya sa role ni Domingo Zamora.

Sa trailer, magaan ang mga eksena at ipakikita ang pagiging versatile actor ni Dennis dahil pati rom-com, keri niyang dalhin. Nakalagay rin dun na sa Feb. 26, 2025 na ang showing nito sa direction ni Real Florido.

Produced ito ng CreaZion Studios, Glimmer Philippines at GMA Pictures. Akala namin, co-producer din ang Brightburn Entertainment, kaya lang, wala sila sa credit at ibig sabihin, hindi nakipag-collab sina Dennis at Jennylyn sa reunion movie nila.

Napansin lang namin na kung sa Green Bones, Domingo Zamora ang pangalan ng karak­ter in Dennis, sa pelikula nila ni Jennylyn, siya ay si Dominic Bezuela. Ang nickname niya ang Dom at ito rin ang tawag sa kanya sa GB.

Sa isang interview, naikuwento ni Dennis na tinulungan siya ni Jennylyn na mag-adjust kung paano gumawa ng rom-com.

“Noong umpisa, medyo nangangapa ako dahil hindi ako sanay gumawa ng mga light na project. Siyempre sinusuportahan naman ako nung asawa ko, queen of rom-com,” sabi ni Dennis.

Sa international series na Se­verino, balik heavy acting siya, killer naman siya rito at isa na namang mapanghamon na role ang kanyang gagampanan.

Samantala, pinost ng aktor sa kanyang Instagram ang photo nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na nanood ng pelikula nila ni Ruru Madrid. Ang caption ni Dennis sa photo ng Dantes couple, “Napanood na ng Hari at Reyna.”

Concert ni Sof, mura ang bentahan ng ticket

Nagpu-promote na si Sofronio Vasquez ng concert niya sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino sa Jan. 18, 2025. Walang sinabi sa ticket prices, pero sold-out na ang VIP tickets sa SM Ticketnet. Few VIP tickets na lang ang available.

Bago ang formal announcement sa kanyang concert, nag-post si Sofronio sa Facebook ng “Coming Home to (Philippine flag emoji) very soon. Takits!”

Ang sumunod nito ay ang announcement na ng kanyang concert na prinomote niya in English, Tagalog and Cebuano dialects.

In fairness, hindi pa rin niya nakalimutan ang magsalita ng Bisaya at wala siyang American accent ‘pag nag-Bisaya.

Napansin lang namin na hindi masyadong mahal ang tiket sa concert ni Sofronio dahil ang VIP with Meet & Greet ay P5k lang. Ang Gold ay P2,800 at ang Silver (free seating) ay P1,300 lang.

Sofia, gustong ipareha kay Will

Sa Jan. 13, 2025 na ang world premiere ng Prinsesa ng City Jail sa Afternoon Prime ng GMA 7. Pinagbibidahan ito ni Sofia Pablo na napuri sa  pagganap niya sa Green Bones. Hindi lang daw pala puro pa-cute ang alam ng young actress, maru­nong daw pala siyang umarte.

Sa synopsis ng drama series, lumaki si Princess Pascual (Sofia) ng adoptive jail guard father niya (Keempee de Leon) malapit sa city jail.

Si Allen Ansay pa rin ang kapareha ni Sofia rito, pero may mga gustong si Will Ashley na kasama rin sa cast ang makapareha niya. ‘Wag daw puro si Allen para hindi siya masyadong ma-identified sa aktor. Kaso, sila ang magka-love team kaya ganun.

ACTOR

ACTRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with