Sofronio Vasquez,galing sa Tanghalan!
Alumnus sa Tawag Ng Tanghalan (It’s Showtime) ang bagong champion The Voice USA, si Sofronio Vasquez.
Yup, ang 32-anyos na Pinoy ang nagwagi sa ika-26 na season ng singing reality competition na The Voice USA noong Martes, Disyembre 10 (US time).
Si Sofronio ang sinasabing kauna-unahang Filipino at Asian na nanalo sa global singing competition.
Nakamit niya ang tagumpay sa kanyang emosyonal na pag-awit ng Unstoppable at A Million Dreams ni Sia mula sa The Greatest Showman musical film.
Bago pa man i-announce bilang panalo, naging top video sa Facebook page ng The Voice’s ang kanyang finale performance ng A Million Dreams.
Si Michael Bublé ang coach niya, at nakakuha ng major votes ay nagwagi ng $100,000 cash prize at isang record deal sa Universal Music Group nina Taylor Swift, Alicia Keys, Harry Styles at Adele.
Sumabak nga siya sa Tawag ng Tanghalan (TNT) segment ng ABS-CBN noong 2019, kung saan narating niya ang semifinals at napunta bilang third placer.
Ni-release naman ng Misamis Oriental native ang mga kantang Bakit Hindi Ko Sinabi, Bililhon, and Mahalaga.
Sumabak siya sa isang blind audition ng The Voice USA, kung saan humarap ang upuan ang apat na judges (Snoop Dogg, Michael Bublé, Reba McEntire, at Gwen Stefani).
At nahingan ng reaction si Martin Nievera sa pagkapanalo kahapon ni Sofronio.
“Siyempre sobrang proud ‘di ba. Finally napapansin talaga na ang mga Pilipino for all our talents, whether it’s singing, whether in sports, pati beauty, napapansin na ang mga Filipino. Nakaka-happy talaga.
“Dati kasi it’s just a dream to make it internationally, it’s just a dream to be noticed in the US or anywhere else in the world. But now it’s happening,” umpisa niya.
“Not too many people know this, but I’ll just tell you now Sofronio and I have been texting each other during this semifinals, not just because I believe in his talent, not just because I believe in his cause, to be able to make it in this world today, you need more than just a good song and great voice, you need to have a calling and a purpose, and his purpose was to make his country proud.
“If there’s one thing I can relate to, that was my battle cry ever since I started in this business… I wanted to be that person, to make that stand in the world. And Sofronio Vasquez finally did, and he did it on Michael Buble team,” bahagi ng mahabang komento ni Martin na humarap sa ilang member of the press kahapon with Pops Fernandez para sa concert nila sa Valentine’s Day na Always and Forever.
- Latest