Ate... ni Maris, nag-trending!
Rico Dedma
Hindi pa rin tinatantanan sina Maris Racal at Anthony Jennings sa kontrobersiyang kinasangkutan nila.
Pero mukhang winner pa rin daw ang aktres dito na ngayon ay nakapasok sa top 10 ang kanyang kantang Ate Sandali sa Spotify PH Viral Songs chart na nasa #6 na.
Hati ang opinyon ng mga basher at tagahanga niya.
Ang ilan sa mga tagahanga niya ay suportado pa rin siya at depensa nila ay may talent naman talaga ito at labas na nga ang publiko sa personal na buhay niya.
Sey ng mga ito ay natural daw talaga ang ex ni Rico Blanco. Kaya nitong maging funny at magaling siyang aktres at singer. Kahit nga ang memes niya ay tumatatak.
Payo ng mga ito ay lilipas din ang kontrobersya sa kanila at lesson learned na dapat iyon kay Maris.
Sigurado naman na mag-iingat na ito sa susunod noh.
Wish pa ng fans niya ay makabalik itong mas malakas pa. Tantanan na raw sana ito ng mga self-righteous dahil humingi na ito ng tawad kaya hayaan na ito.
Pero isa sa napansin ng netizens ay dedma raw ang ex nitong si Rico sa achievement na ito na collab pala nila.
Sana man lang daw ipinost ng music label nitong Balcony Entertainment ang pag-trending nito na malabong mangyari.
Agree ako sa paniniwala ng marami na bad publicity is still publicity. Bongga.
Claudine, may alaga na rin
Pinasok na rin pala ng pamangkin ng pumanaw na actor na si Rico Yan na si Alfy Yan ang showbiz.
Anak pala ito ng sister niyang si Geraldin Yan-Tueres.
Gusto raw sundan ng bagets ang yapak ng kanyang uncle.
At si Claudine Barretto ang tumulong sa kanya at nagpakilala sa kanya sa Viva Entertainment big boss na si Boss Vic del Rosario.
Well, parang mas cute si Rico, sa true lang.
Medyo mabilog ang mukha ni Alfy na hindi ko type ang spelling ng pangalan.
Parang pang-bading ang y sa Alfy. Hahaha.
- Latest