^

PSN Showbiz

Juice Fairy of the Stars

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Isa si Kristal Hierco sa nagpakilala ng “juicing” sa mga health and fitness enthusiasts. Tinawag niya itong Pure Juice. (parang ako lang purong puro walang bahid!) Ito ‘yung pinaghalo-halong herbs, fruits at sari saring healthy ingredients na ginagawang juice, bilang pamalit sa daily solid meals. Kadalasang iniinom ng mga gustong pumayat o gumaling sa mga nararamdamang sakit (hindi ito bato ni ding ha, darna!)

“Bata palang ako, interesado na ‘ko sa healthy living. Kaya nung ma-discover ko ‘yan, Sabi ko aralin ko nga. Nagbasa ako ng mga libro, nag-research ako. Na-realize ko meron palang tamang combination at formula. Hindi lang sya ‘yung pagsasamahin lahat ng ingredients at gagawing juice. Kaya inaral ko talaga ano ‘yung tama,” pagpapaliwanag ni Kristal. (minus 10 ang magkamali!) Bilang kinarir nya ito, at maraming nakapagpatunay na effective ang kanyang timpla, umabot ito sa kamalayan ng mga taga showbiz.

Maraming celebrities ang lumapit sa kanya at kumuha ng kanyang produkto. (pay sila ha, hindi ex-deal!) “Nagsimula lang ako maglagay ng Pure Juice sa isang fitness studio kung saan ako nagwo-workout. Konti lang ,12 bottles lang sa isang linggo pero sold out agad. Tapos bilang maraming celebrities dun like LJ Reyes, Dingdong Dantes, sinasabi nila ayan si Kristal gumagawa ng juice. Nakilala ko mga talents ni Perry Lansigan, lahat sila kumuha. Si Paolo Contis isa rin sya kaya sya nakapagbawas ng weight. “

Pag-alala ni Kristal. (gawa ka ng variant ko, tawagin nating Juice ko FU!)

Ilan pa sa mga celebrities (oo marami sila!) kukuha sa kanya ng juice kapag may nalalapit na showbiz event, malaking pelikula o teleserye o kaya naman ay pictorial (para sure na payat sila at fit sa kanilang ganap!) Marami tuloy tumawag sa kanyang: Juice Fairy of the Stars. “Kasi ako, pag sinabi kong pure ‘yan, pure talaga ‘yan, walang water.

Hindi kasi kami false marketing. Wala kaming ganun kasi gusto ko lagi effective. Kasi ‘pag dinaya ko ‘yan, di ‘yan e-effect. Ang sarap lang sa feeling na naa-acknowledge nila ‘yun na iba kapag si Kristal ang gumawa.” (dinaig ang okay ka fairy ko!)

Naging inspirasyon naman nya ito para mag-develop pa ng mga karagdagang produkto na makakatulong sa kalusugan at kagandahan ng bawat tao. Itinatag nya ang Nutripure. (pure pa rin ha, bawal ang may bahid dungis!) “Bawat produkto, tinutukan ko kasama ng manufacturer, researchers at chemists. Sinasabi ko talaga ganito ang gusto kong effect, kapag hindi ako satisfied, ibabalik ko.

Sinigurado ko talaga na yung bawat product ay effective ayon sa pag-aaral namin.” (taray nung mga chemists ha!)

Handog nito ang ilang juice at kapeng pampapayat pero puno ng vitamins at minerals para siguradong healthy (oo walang bangenge moments!) at ang kanilang complete package na skin care. (mula ulo hanggang paa!) “Ang dami na agad bumili nung nilabas ko mga ‘yan dahil sinasabi nila, gawa ‘yan ni Kristal at sure sila na effective. Kaya naisip ko eto ‘yung gusto kong gawin na hindi lang basta business, gusto ko ‘yung maging healthy ang lifestyle nila, “ paglalahad ni Kristal. (ang ate mo na ang health diva!)

Tuloy pa rin ang sinimulan niyang Pure Juice kasabay ng papapakilala ng kanyang Nutripure. Tuloy din ang mga celebrities na matagal nang nagtiwala sa kanyang mga produkto (in fairness hindi sila paid endorsers ha!) at sa kanyang advocacy na “Ele-vate your Beauty and Wellness Journey” (ay join ako dyan sa journey na yan!) “Masarap sa feeling na ito pala talaga ang purpose ko in life. May mga buhay akong nata-touch in a way, kasi nababago ‘yung health status nila. Hahanapin ka nila because of the quality of products na in-offer mo. Marami sa kanila umalis, nag-try ng ibang products, pero eto sila ulit sa’kin, bumalik,” pagbabahagi ni Kristal. (pwes, wag na sila umarte pang ulit!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with