^

PSN Showbiz

Maris, nag-training para maging gymnast

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maris, nag-training para maging gymnast
Maris Racal

Hindi naging madali para kay Maris Racal ang ginawang paghahanda bago mag-shooting ng pelikulang Sunshine. Kalahok ang naturang proyekto sa ginaganap na 49th Toronto Film Festival na mapapanood hanggang Sept. 15.  “I was not flexible. I’m not the most flexible, so challenging sa akin. I really pushed my limits and trained for it. Kahit mahirap, pinilit ko. It was made through blood, sweat and tears. At that time 3 hours ako mag-train then se-segue taping ng Can’t Buy Me Love. Tapos mag-shoot ako Sunshine. One of the busiest days of my life,” pagbabahagi ni Maris.

Sobrang naging emosyonal si Maris nang mapanood ang trailer ng pelikula kamakailan. “Talaga ng pinaghirapan namin 2020 pa ‘yung script.  It made me very emotional because one year ako nag-train. Nakita ko pelikula, trailer iba dating sa akin. Maganda story,” giit ng aktres.

Si Sunshine ay isang gymnast na karakter na ginampanan ni Maris. Bukod sa hirap ng training na pinagdaanan ay nalaman umano ng dalaga kung ano ang bawat pagsubok na nararanasan ng isang atleta. “I was also there to observe athletes and gymnastics. Grabe ‘yung dedication nila. I only do 3 hours of training, they do 8 hours. Kailangan talaga ng dedication and burning passion. Hanga ako sa athletes kahit anong sport ‘yan, lalo na sa gymnastics. Medyo life threatening. Gymnastics training ko, ang dami na-unlock sa akin core power siya eh. Kaya ko siya gawin nang ‘di masyado nahihirapan,” pagtatapos ng dalaga.

Arjo, nagka-award sa unang biyahe sa Taipei

Noong Huwebes ay nasungkit ni Arjo Atayde ang Best Male Lead in a TV Programme/Series sa ginanap na ContentAsia Awards 2024 sa Taipei. Matatandaang mahusay ang naging pagganap ng aktor sa karakter ni Anton dela Rosa sa Cattleya Killer. Malaki ang pasasalamat ni Arjo nang makamit na prestihiyosong international award. “Thank you to everyone. I’m forever indebted to all the actors that I work with, to the people behind the camera, to everyone who’s helped me be here, gather all this power to actually pull through this good series,” bahagi ng speech ni Arjo sa naturang event.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakarating ang aktor sa Taipei. Lubos din ang pasasalamat ni Arjo sa pamilya at sa pamunuan ng ABS-CBN dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanya. “This is such a reward for a first time here. Thank you so much to my family for supporting so much, to my wife who understands so much of the hard work that of obviously that we have to pull through to be able to do this. To ABS-CBN, Tita Cory Vidanes, Sir Carlo Katigbak, and of course to Sir Ruel Bayani, thank you so much for this opportunity. To the Filipinos, to ABS-CBN, maraming, maraming salamat po,” paglalahad pa ng aktor. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

MARIS RACAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with