Tatay ni Carlos, naging faney ang dating sa parade
Habang nagkakagulo sa buong Maynila sa Heroes’ parade ng mga atleta nating lumaban sa katatapos lang na Paris Olympics 2024, bumalik pala ng NBI si Atty. Maggie Abraham-Garduque, ang legal counsel ng dalawang independent contractors na sina Jojo Nones at Richard ‘Dode’ Cruz.
Nag-submit si Atty. Garduque ng supplemental counter affidavit kaugnay sa reklamong sexual harassment na isinampa ni Sandro Muhlach.
Ayon kay Atty. Maggie, may mga idinagdag daw silang counter allegations at mga ebidensya laban sa reklamong inihain ni Sandro. Iba-validate pa raw at iimbestigahan pa ng NBI, sabi pa abogado ng mga akusado.
Nag-agree siya sa tanong ko kung nakuha ba nila ang mga karagdagang ebidensyang ‘yun sa katatapos lang na Senate hearing. Aniya, “Yes there are a lot of allegations/alleged evidence that came up during their hearing sa Senate, and we are preparing our defense to it.”
Pero ayon sa imbestigasyon ng Senado, may sapat daw na ebidensya para kasuhan sina Richard Cruz at Jojo Nones.
Kaya nga nag-post na rin si Niño Muhlach ng mensahe niya sa kanyang anak. “Be STRONG Anak. Better days are coming soon! #justiceforsandromuhlach”
Balik naman tayo sa parada ng mga atleta natin noong Miyerkules, nagnakaw-eksena at pinag-usapan ang matiyagang paghihintay ng ama ni Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo.
Nakunan nga ang masaya niyang pagkakaway sa kanyang anak, at nakita naman ito ni Carlos.
In-acknowledge nga niya sa kanyang Facebook page na kung saan ay nag-post siya na nagpasalamat sa pagsuporta ng kanyang ama. Nag-sorry pa siya na hindi raw niya nakapagkaway nang mabuti dahil ang dami raw nagpapa-autograph sa kanya.
Ah, so ‘yun lang pala ang puwede niyang gawin sa kanyang ama, na kawayan ito?
Pero sana nga ay matupad itong sinasabi niyang magkikita sila soon.
Sinabi pala ng lolo ni Carlos Yulo na si Rodrigo Frisco na gusto niyang mapanood ang parada, pero nagbago ang isip at hindi na ito tumuloy. Ayaw daw niyang magmukhang kawawa habang naghihintay sila sa kalye.
Pero ang lola nitong si Angelita ay nagtiyagang naghintay kasama ang mga kapitbahay para makita lang niya ang kanyang apo.
Samantala, ang girlfriend naman ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose ay kampanteng naghihintay sa Rizal Memorial Coliseum na kung saan doon tumuloy ang parada.
Ate Vi, ayaw magpa-pressure
Sinasabi ng Star For All Seasons Ms. Vilma Santos na ayaw niyang magpa-pressure na makapasok sa Metro Manila Film Festival ang pelikulang gagawin niya sa Mentorque Productions.
Kinumpirma na nga niya sa nakaraang opening ng Vilma Night exhibit nung Sabado, Aug. 10, sa Archivo 1984 art gallery na nasa La Fuerza Compound, 2241 Chino Roces Ave., Makati City na gagawin na niya ang pelikulang ididirek ni Dan Villegas.
Narinig kasi naming ihahabol nila ito sa submission ng finished films sa September. Pero sabi nga ni Ate Vi ayaw niyang magpa-pressure.
Kaabang-abang ngayong taon ang MMFF dahil nasa 50th year na at magaganda ang mga naka-line up na pelikula.
“Walang kailangang habulin! Walang kailangang ilaban! The most important thing, we finish one good film that we can be proud of,” saad ni Ms. Vilma Santos.
- Latest