Pretty and sexy therapist ni Caloy, biglang naging popular
Sapaw lahat ni Carlos Yulo.
Lalo na at madrama ang mga nagaganap sa kanya sa kasalukuyan.
Hati ang opinyon ng karamihan na hindi nakita sa pagsalubong sa kanya ang mga magulang at maging sa parangal na binigay sa kanya at sa ibang atletang Pinoy na lumaban sa Paris Olympics sa Malacañang noong Martes.
Ganundin sa welcome party na ginanap sa Newport World Resorts pagkatapos nilang manggaling sa Malacañang.
Wala rin ang mga ito sa turnover ng bonggang condo unit sa kanya – worth P32 million daw – at maging sa ginanap na parade kahapon.
Habang ang iba naman ay natuwa na ‘di gaanong umeepal ang girlfriend na si Chloe San Jose na celebrity status na sa kasalukuyan.
Na sinagot ang intriga kay Carlos at sa Sports Occupational Therapist na si Hazel Calawod. “Wag kayong issue, kung ano ano na lang talaga no. me and coach Lyn Hazel (loafie) are good good friends”
Edited na ang nasabing caption at tinanggal na niya (Chloe) ang comparison nila ng age ng nasabing occupational therapist.
Nag-aral pala si Chloe ng nursing at kasalukuyang kumukuha ng kursong psychological science.
Panay nga ang comment ng ibang netizens na mas match daw sina Caloy at Hazel dahil mas parang pormal daw ito. At higit sa lahat ito raw pala ang rason kaya naka-gold si Caloy.
Pretty and sexy si Ms. Hazel kaya naman mabilis itong naging popular sa social media platforms.
Sa isa nga niyang post ay nagpasalamat siya. “Grateful for the outpouring of love and support from my friends, family, and kababayans. Your kind messages have been a true blessing. Sharing with you here an interview with ABS-CBN on what the training looks like before the Olympic stage.”
Anyway, at the end of the day, marami pa rin ang hurt sa nangyari kay Carlos Yulo at sa kanyang mga magulang.
Kahit anong galit mo raw sa magulang, hindi mo na lang naisip na kundi dahil sa kanila, hindi siya magiging tao at magiging olympic medalist.
Kaya maraming naaliw sa post ni Edu Manzano na art card: “My wife and I have decided not to have children. We will be telling them tonight at dinner” kalakip ang caption nitong “A painful decision but a decision just the same!”
Hahaha. Funny.
Anyway, maraming nanonood ng grand homecoming parade sa Pinoy Olympians na Salamat at Saludo sa Atletang Pilipino kahapon.
Naalala raw nila ang Parade of Stars sa tuwing may Metro Manila Film Festival. Andami raw tao sa Roxas Boulevard.
- Latest