^

PSN Showbiz

Bea, inamin kung gaano kahirap noon ang pamilya ng nanay!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bea, inamin kung gaano kahirap noon ang pamilya ng nanay!
Mary Anne Garcia at Bea Alonzo

Mula pagkabata ay katuwang na ni Bea Alonzo sa buhay ang inang si Mary Anne Garcia. Ang aktres ang panganay sa dalawang magkapatid.

Ayon kay Bea ay masyado silang disiplinado sa ina noon. “Pinapalo kami dati ng hanger or sinturon. Pero tuwing gagawin niya ‘yon, umiiyak din siya. Pero hindi siya magso-sorry, meron siyang ibang gagawing bagay para mag-apologize, like ipagluluto ka niya. To be honest, she was very strict when we were growing up. Of course, back then I don’t understand why. She got pregnant when she was 19. She had me when she was 20. So, we’re also good friends. Growing up parang walang generation gap. That’s what I’m afraid of because I’m 36 and hindi pa ako nagkakaanak. So iniisip ko sana maging kasing cool ako ni mama if I have kids,” nakangiting kwento sa amin ni Bea sa My Mother, My Story.

Maraming mga aral sa buhay ang natutunan ng dalaga mula sa ina. Naging maabilidad si Bea dahil sa mga naranasan noon ng kanyang ina. “Lagi niyang sinasabi sa amin ng kapatid ko, ‘Buntot mo, hila mo.’ Ang ibig sabihin kapag may ginawa kang desisyon kailangan mong pangatawanan. You have to be able to stand up for yourself. And you have to make sure that you standby the decision that you make. Panganay kasi si mama, tapos ‘yung lola ko was an OFW. So basically, she was the mother of her siblings. She also started working very young. She really grew up as a really strong woman.

“We have our own strength and we show it differently. Si mama bata pa lang, hustler na siya. Kasi mahirap sila, bata pa lang siya, pinagtitinda na siya ng lola ko ng mga kakanin. O ‘yung lola niya, kasi may babuyan, siya ‘yung kumukuha ng mga scraps ng pang-feed do’n sa mga baboy. Nahihiya daw siya kasi madadaanan ‘yung bahay ng crush niya. So iikot siya ng malayong ruta para hindi siya makitang may dalang kaning-baboy. She really had a tough childhood. Kaya ‘yon din ang naging dahilan no’ng panahon na kumikita na ako ng pera. Talagang She made sure na makakaipon at makakapundar kami,” natatawang pagbabahagi ng aktres.

Noong una ay hindi raw pinangarap ng ina na maging isang artista si Bea. Ang gusto umano ni Mommy Mary Anne ay maging stewardess ang anak. “’Yon ang pangarap niya kaya lang iba naman ang pangarap ko, to become an actress. She never really wanted me to become an actress.  Alam niya (na hilig ko), kasi kapag nanonood ako ng TV, ginagaya ko ‘yung mga napapanood ko. Halimbawa sina Ate Juday (Judy Ann Santos), Ate Claudine (Barretto), kapag naiiba na ‘yung music, alam ko iiyak na sila. Nasa harapan ako ng mirror, nandito ‘yung TV, nakikipag-unahan akong umiyak sa kanila. Hindi ko alam na workshop na pala ‘yon,” pagbabalik-tanaw ng dalaga.

Mahigit dalawang dekada nang aktibo sa show business ang aktres. Marami nang naipundar si Bea para sa sarili at sa kanyang ina. Kapag bumibili ng mga ari-arian ay nakapangalan umano kay Bea ang mga ito. “Ako, it’s mine. I was able to provide businesses for my mom, nasa kanya (nakapangalan.) She has her rentals and all. In fact, I’m proud to say this, I was able to set her up 7, 10 years ago. So hindi na ako breadwinner, Tito boy. It’s her businesses that I was able to set up for her early on. At ang maganda, iniingatan niya talaga ‘yung lahat ng ibinibigay ko sa kanya. Kahit hindi siya ‘yung signatory do’n sa iba kong businesses, siya pa rin ‘yung nagma-manage eh,” paglalahad ni Bea. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with