^

PSN Showbiz

EJ Obiena, maraming drama at kuda sa Olympics?!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
EJ Obiena, maraming drama at kuda sa Olympics?!
EJ Obiena.
STAR/ File

Closing ngayon ng Paris Summer Olympics. Congratulations sa mga atletang Pinoy sa kanilang karangalang idinulot sa bansa, lalo na sa ating medalists na sina Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio.

Ang tanong, paano pa kaya natin higit na matutulungan ang ating mga atleta? Sana hindi lang sa pagbibigay ng pabuya kapag nanalo na sila kundi suporta para sa paghihirap nila sa training at sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.

Pauwi na sina Caloy sa ating bansa sa Aug. 13. Sana hindi na sa girlfriend na si Chloe San Jose at sa nanay niyang si Angelica Yulo nakatuon ang mga istorya.

Ano nga ba kasi ang pake natin doon? Pasalamat na lang tayo sa tagumpay na nakamit niya sa gitna ng mga hamong pinagdaanan niya. Puwede ba?

Number 4 sa individual golf ang ating kababayang si Bianca Pagdanganan. Bakit hindi masyadong na-publicize ito?

Diyan mo naman hahangaan ang ating mga atleta, na sa kabila ng mga hamon at kakulangan ng suporta sa kanilang training at pulitika sa kanilang sport, ay nakakapag-perform pa rin nang maayos. Ang galing lang ano?

Ano ang kaibahan ni Bianca sa isa pang 4th placer na si EJ Obiena na muntik nang mag-bronze? Si Bianca, walang drama, ginulat lang tayo sa magandang performance.

Si EJ, full of drama, pati apology sa sinasabing injury. Kung bawas drama at kuda kaya kay EJ, gaganda kaya ang performance niya? Sana.

Zsa zsa, ‘di nakipaglamay sa dating asawa

Nakikiramay ang buong PSN staff kay Karylle sa pagyao ng kanyang ama na si Dr. Modesto Tatlonghari.

Noong nakaraang linggo ito naganap at naging pribado ang seremonya. At dahil nasa ASAP LA ang ina ni Karylle na si Zsa Zsa Padilla, minarapat nitong represented siya na kanyang pamilya at kaibigan na kasama ni Karylle mula mamatay hanggang cremation at burol. Hanggang kahapon na Misa ng Pag-aalala.

Nakakamangha rin si K, ano? Pagkatapos ng memorial sa kanyang ama ng Biyernes noong isa pang linggo ay sumabak pa siya sa closing at extension performance sa Little Shop Of Horrors. Paano kaya niya nagawa ito? Nakakabilib ang pagiging simple at mabuti ng kanyang puso.

Bagong isyu ng sexual harrassment, inaabangan ang resulta

Sa kaso ng dalawang independent contractors ng GMA na patuloy ang pandinig na isasagawa sa Senado, totoo bang kumuha o kukuha na ng separate na attorney ang isa sa mga akusado?

Ang tanong, bakit, magkaiba ba ang kuwento nila?

Sa kaso naman ng TV5 employee, tatalakayin din kaya ito sa Senado dahil pareho rin namang sexual harassment case?

Ang tanong ng mga tao – o ang focus ba ay nasa kilalang pamilya lang at nasa showbiz kaya high profile? Wait and see tayo!

Nakakata-quote:

“Whoever is responsible from the National Golf Association of the Philippines? 2 na lang players natin sa golf sa Olympics di nyo pa nabigyan ng uniform? Anong klaseng kapalpakan yan? Kahapon nyo lang ba nalaman na kasali tayo? Any excuse is unacceptable!”

– Noel Cabangon, pagkatapos lumabas ang video ng Filipina golfer tungkol sa kawalan ng tamang uniform

vuukle comment

EJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with