^

PSN Showbiz

Encantadia, ibinalik sa streaming

Pilipino Star Ngayon
Encantadia, ibinalik sa streaming
Encantadia
STAR/ File

Muling mapapanood ang Encantadia, ang iconic fantasy drama series ng GMA Network, sa Viu Philippines ngayong araw, Aug. 12.

Ang sikat at minahal na 2016 serye ay pinagbidahan nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera bilang Ynang Reyna Mine-a, Glaiza de Castro bilang Pirena, First Lady ng Primetime Sanya Lopez bilang Danaya, Global Endor­ser Gabbi Garcia bilang Alena, at Kylie Padilla bilang Amihan, kasama si John Arcilla bilang Hagorn.

Ang serye ay iikot sa mahiwagang mundo ng Encantadia kung saan meron apat na prinsesa na tinatawag na mga Sang’gre, ang nagbabantay sa mga hiyas upang masiguro ang kapa­yapaan at pagkakaisa sa Kaharian ng Lireo. Ang bawat Sang’gre ay pumoprotekta at kumokontrol sa hiyas na apoy, hangin, tubig at lupa.

Sa pagdating ng Encantadia sa Viu Philippines, maaari na muling mapanood ng mga tagahanga ang serye habang magkakaroon ang bagong hene­rasyon ng bagong programa.

Mas pinadali pa ang panonood dahil libre ito sa Viu Philippines simula ngayong araw!

Poten-cee, nag ayuda

Bilang bahagi ng 50 years nitong pagsuporta sa Vitamin C ng mga Filipino at bilang pasasalamat sa kanilang pagtangkilik, ini­lunsad kamakailan ng adult vitamin C Brand Ascorbic Acid (Poten-Cee) Vitamin C ang makasaysayang selebrasyon nitong Fifty, Fortified, and Forging Forward.?

Isa na ang Poten-Cee sa nangungunang Vitamin C brands sa kasalukuyan na may variants na layuning tugunan ang iba’t-ibang pangangailangan at pamumuhay ng mga Filipino – Ascorbic Acid bilang Sodium Ascorbate (Poten-Cee NA) at Poten-Cee Plus para sa adults at sa mga batang mas gusto ang Vitamin C sa non-acidic format.

Inilunsad noong 2016 ng Poten-Cee ang tagline na The Beauty of Immunity. Bilang bahagi rin ng kampanyang ito, inilunsad nila ang Poten-Cee + C noong 2022, na food supplement na may Vitamin C at Hydrolyzed Collagen.?

Ngayong taon, bilang bahagi ng pagsusulong nito sa hinaharap, ipinakilalala naman nito ang new variant nitong Poten-Cee + C Marine Collagen.

Sa paglunsad ng Poten-Cee + C Marine Collagen, mas marami nang pagpipilian ang mga consumers: type 1 collagen mula sa isda (marine collagen) at type 2 mula sa bovine or animal sources (original variant).? 
At bilang pasasalamat sa suporta ng mga Filipino, nagbabahagi ito ng mga donasyon sa mga sektor na nangangailangan noon pa man kabilang na ang survivors ng Typhoon Carina na kamakailan lang ay nanalasa sa malaking bahagi ng Luzon.?

vuukle comment

ENCANTADIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with