^

PSN Showbiz

Regine, may inalay kay Ogie

Pilipino Star Ngayon
Regine, may inalay kay Ogie
Regine Velasquez-Alcasid.
STAR/ File

Naglabas ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ng reimagined version ng 2010 hit song ng American rock band na Paramore na The Only Exception.

Ito ang pangalawang single na magiging bahagi ng pinakahihintay na revival album ni Regine na Reginified na binubuo sa ilalim ng Star Music. Sa pamamagitan nito, unti-unting ipinapakilala ang unang karakter sa Reginified multiverse na isang mapagmahal na asawa.

Handog ni Regine ang The Only Exception sa kanyang asawa, ang Kapamilya singer-songwriter na si Ogie Alcasid.

Sinusundan ng kanta ang remake ni Regine ng It Must Have Been Love ni Roxette na nagsilbing preview buzz single at inilunsad noong Oktubre 2023.

Napapakinggan na ang The Only Exception ni Regine sa iba’t ibang music streaming platforms.

Sparkle World Tour, magsisimula na!

Handang-handa na ang Sparkle ar­tists para sa Sparkle World Tour simula ngayong August hanggang September.

Isa ito sa biggest offerings this 2024 ng Sparkle GMA Artist Center upang maabot ang international au­diences.

Ready nang makisaya sa Global Pinoys sina Alden Richards, Isko Moreno, Boobay, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, at Ai Ai delas Alas para sa first show na gaganapin sa Aug. 9, 2024, at the City National Grove of Anaheim, California.

Paniguradong excited na ang Kapuso fans dahil makakasama na nila ang paborito nilang Sparkle artists.

Huwag pahuhuli, may limited tickets pang available via @skybeverlyhills. Maaari din silang tawagan sa kanilang contact number na (626) 383-9201.

Empoy, tinambal kay Susan!

Isang bagong kabanata para sa longest-running historical, traditional, at cultural show ng GMA Public Affairs na I Juander ang masasaksihan dahil ipakikilala na ang bagong co-host si Susan Enriquez – ang komedyante at “Pambansang Leading Man” na si Empoy Marquez!

Good vibes at mga bagong kaalaman ang naghihintay sa mga ka-Juander dahil sabay tutuklasin nina Susan at Empoy ang mayamang pagkakakilanlan ng mga Pilipino sa masaya ngunit nakatututong paraan.

Pagbabahagi ng pinakabagong Ka-Juander, surprise at excitement ang nadama niya nang bigyan siya ng pagkakataong maging bahagi ng programa.

“Sobrang overwhelmed ako, I was surprised at ako’y kinuha ng I Juander bilang kasama at ka-partner ni Mama Su. Sobrang happy ako na kasama na ninyo ako sa programa at looking forward ako sa iba pa na­ming gagawin,” ani Empoy.

Siniguro naman ni Susan sa viewers na mas marami pa silang matututunan at mas magiging masaya ang kanilang Sunday night, lalo na kasama na niya si Empoy bilang co-host.

“Magaan katrabaho si Empoy dahil siya ay isang ko­medyante, so I hope it will be more fun working with him sa mga dadating pang episode ng I Juander. I hope magkakaroon kami ng magandang chemistry ni Empoy. We’ll make sure na sa panonood ninyo ng I Juander, matututo na kayo, at the same time, magiging magaan ang inyong Linggo ng gabi bago matulog dahil kayo’y napasaya namin sa mga episode na i-o-offer ng programa kasama si Empoy,” pagbabahagi ni Susan.

Sa kanilang unang episode together, masayang ipasisilip nina Susan at Empoy ang kultura at tradisyon ng kanilang sariling hometown.

Magtutungo si Empoy sa kanyang probinsyang Bulacan para tuklasin at tikman ang ilan sa mga ipinagmamalaking local delicacies. Samantala, lilubutin naman ni Susan ang Cavite para maitampok ang ilan sa mga kakaiba at masasarap na putahe ng siyudad.

Magkakaroon din ng labanan sa pagitan ng Bulaceño at Caviteña dahil sasalang ang dalawang hosts sa exciting challenges na maglalabas ng kanilang husay sa pagluluto.

Makisaya sa makulay na paglalakbay nina Susan at Empoy sa I Juander tuwing Linggo, 8 p.m. sa GTV. Mapapanood ito ng Global Pinoys via the Network’s international channel, GMA Life TV.

vuukle comment

REGINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with