^

PSN Showbiz

Dinakdakan King ng Rizal

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Hindi na nakuha pang ituloy ni Jason Maaghop ang kanyang pag-aaral dahil sa kakulangan ng budget. (ay sana call mo ko, bro!) Pagka-graduate nya ng high school, sumabak na sya agad sa trabaho.

Una nyang sinubukan ay ang maging construction worker. (dami talagang poging constru ha!)

“Nagsimula ako sa mga basic lang, tapos tinuruan ako ng iba pang skills. Mga mata-taas na building ‘yung pinasukan ko. Kadalasan sa BGC,” pag-alala ni Jason. (mada-las ako sa BGC ha, dapat nagkita tayo, bro!)

Bilang marunong namang humarap sa tao si Jason, nag-apply sya sa isang sikat na grocery chain. Dito ay naging sales sssistant sya.

“Marami rin akong natutunan dyan, lalo na pagdating sa pagbebenta ng produktong hawak ko.” (hawakan mo ko, bro!)

Nang magkaroon ng ibang oportunidad sa isang bar, sinubukan naman nyang mag-ing waiter. “Syempre may alam na tayo sa sales at sa pakikiharap sa mga customer, kaya nagamay ko naman ‘yung pagiging waiter.” (parang gusto kitang magamay, bro!)

Alam niyang kailangang presentable sya palagi dahil sa kanyang trabaho, kaya inaalagaan nya ang kanyang pangangatawan sa gym.

Dito naman sya nadiskubre para maging kontesero sa mga bikini pageant at maging talent sa mga teleserye at pelikula (pa-spot naman dyan, bro!)

“May mga tropa rin ako sa gym, na mga talent sa showbiz. Kaya maliban sa pagrampa sa mga pageant, napapasama rin ako minsan para maging talent. Sinusubukan ko lang din kung saan tayo papalarin,” paglalahad ni Jason. (sa’kin ka papalarin, bro!)

Isa talaga sa pangarap ni Jason ang maging negosyante, kaya naisipan naman nyang magbenta online ng specialty nyang dinakdakan. Inuna nyang inalok ang mga kalapit lugar nya sa Montalban Rizal. (basta ikaw ay special sa’kin, bro!)

“Karne ‘yan na parang sisig na malalaki ang hiwa. Masarap may utak. May taba-taba. May mayonnaise, may luya, may sibuyas, “ pagpapaliwanag ni Jason. (masharap ba ;yan, bro? Patikim naman!)

Inaral nyang mabuti ang paggawa nito dahil napansin nyang, best seller ito sa bar na pinagtrabahuhan nya. (ikaw ang the best sa’kin, bro!)

“Pinapanuod ko ‘yung cook naming kung paano nya ginagawa ‘yung dinakdakan. Paborito  talaga kasi syang orderin dun kasi masarap syang pulutan, “pagbabahagi ni Jason (parang iba ang gusto kong pulutan!)

Ginamit nya ang facebook para sa pagsisimula ng kanyang negosyo.

“Magpo-post lang ako sa facebook, kukuha ako order. Kapag nakarami na ‘ko, gaga-win ko na, tapos may araw ng delivery. Kadalasan weekend. Ako mismo magde-deliver.  Nag-resign na ‘ko sa pagwe-waiter. ‘Yan na ginagawa ko at ‘yung pagiging talent sa showbiz.“ (kumukitang kabuhayan si koya ko!)

Sa kanyang guest appearance sa aming Youtube show na WTFu, inamin ng 24 anyos na binata, na kahit saan syang mapunta ay nakakatanggap sya ng mga kakaibang of-fer . “Sa umuorder nga ng dinakdakan, minsan may bading na ako gusto bilhin, hindi ‘yung dinakdakan ko. Pwede bang ako na lang daw.

Sabi ko ‘di pwede kasi wala nang magluluto ng dinakdakan ‘pag pumayag ako. “ (tumigil kamo sya kakadakdak nya!)

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon.

FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patre-on: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

vuukle comment

BUDGET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with