Pang-regal ang love story... Mother Lily, totoong sinundo ng asawa!
Hindi malungkot ang energy sa burol ni Mother Lily Monteverde sa 30 Valencia. Ang ganda ng kulay ng mga bulaklak na naka-set up sa may casket niya, makukulay.
Kilalang masayahing tao si Mother Lily na pumanaw sa edad na 84, six days pagkatapos na mamatay ang mister niyang si Remy Monteverde.
Ang daming magagandang kuwento ng mga naging malapit sa kanya at kung gaano siya ka-classic na tao na siya lang pwedeng gumawa. Tulad nang mag-endorse siya ng 13 senatoriables, ipina-presscon niya isa-isa. Eh ang kailangan lang siyempre na iboto ay 12.
Simple pa lang ‘yun, ang dami pa niyang ginawa na talagang tatawa ka ‘pag narinig mo.
Sixty years ding naging bahagi ng Regal Entertainment si Mother Lily kaya naman more than one thousand na rin ang nagawang pelikula ng kumpanya.
Ano ngayon ang mga plano ng Regal after this?
“So, the plan is really to continue on the legacy of mother that created. So, more movies. Meron din kaming mga series na kini-create for certain OTT (over the top) platforms,” sabi ng anak niyang si Ms. Roselle Monteverde na matagal-tagal na ring namamahala ng Regal Entertainment.
Kumusta ka? Magkasunod na namayapa ang kanyang mga magulang.
“Of course, it is very overwhelming. It’s a mixed feeling, since syempre hindi naman masaya talagang to lose both your parents in the span of just a week. But then, every time I think about it, they’re also tired because, as you know, their bodies are not well enough to live. I think it’s better talaga for them, and you know they’re together. I’m sure they’re together, kasi parang it’s a matter of, you know, ‘yung burial ng Dad namin. Right after that, we rushed to the hospital, kasi tinawag kami. Parang timing naman. Then we got to the hospital, sabi ng doctor; parang they thought my mom’s going to be well, but then suddenly bigla na lang siyang nag-bid na unexpectedly. So, the doctor gave us a choice, so we stayed with her until her passing. So ‘yun na, sinundo siya talaga ng Dad ko,” pag-aalala ni Ms. Roselle ng mga pangyayari sa nakalipas na two weeks.
Maraming nakakaalam kung paano ka-exciting ang love story ng mag-asawa. May plan ka bang gawing pelikula ang kanilang love story? “Na-fulfill niya ‘yung promise niya sa Mom ko.”
Ano pong promise niya? “That they will be happy together.”
- Latest