Heart at Papa P., gustong isama kay Lovi
Sayang at wala si Lovi Poe sa bonggang birthday celebration ng owner at CEO ng SCD Skin Care, si Gracee Angeles, na ginanap sa Sundowners Beach Resort sa Botolan, Zambales.
Si Lovi ang kauna-unang brand ambassador ng SCD.
Loyal ang nasabing brand sa actress.
Ayon sa CEO nito, priority ni Lovi ang endorsement niya at supportive sa kanyang kumpanya.
Pero gusto pa ring magdadag ng ambassador ni Ms. Gracee.
Given a chance, target niyang maging endorser sina Piolo Pascual and Heart Evangelista. At willing daw siyang magbayad kahit magkano ang talent fee ng mga ito.
Tho common knowledge na malabo itong mangyari sa kasalukuyan dahil sa mga endorsement nina Heart and Papa P.
Anyway, kasabay ng kanyang birthday celebration ang launching ng kanyang bagong produkto, ang SCD Retinol serum.
Two years in the making daw ito at pinag-aralan nilang mabuti bago inilabas sa market.
Eight years ago nang ipakilala niya sa market ang kanyang kumpanya na may P1 million capital.
Mabilis itong nakilala dahil nga boom noon ang beauty products at hindi pa gaanong maraming kakumpetensya.
Pero may time rin naman aniya na lagapak ang negosyo.
“For three years or more, as in lagapak. Hindi ako nag-start na biglang boom. Talagang dinaanan ko muna lahat kung ano ‘yung madadaanan ng isang business owner,” pag-amin ng negosyante.
Hanggang noong 2022 ay kinuha si Lovi na first ever ambassador na mas nagpalakas aniya sa kanyang negosyo.
- Latest