Matteo, pinararanas kay Sarah na maging normal
Ang bongga naman nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na papunta naman sa Scotland sa pamamagitan ng train.
Ipinost ng aktor ang video kung saan pasakay sila ng train papuntang Edinburgh. Mas pinili raw nilang mag-train para ma-enjoy nila ang view habang bumibiyahe. “More adventures with the wife. This time on a train!! Let’s go!” caption ni Matteo sa kanyang post.
Makikita ang pagpunta nila sa King’s Cross Railway Station sa London habang dala nila ang mga bagahe nila.
Pero napansin agad ng netizens ang pag-pronounce ni Matteo sa Edinburg at itinama nila ito na common mistake raw talaga na dapat daw ay “Edin-braaaaaah” at hindi “Edinberg.” Habang nasa train naman ay tila nagutom sila at umorder ang singer ng plant-based sausage sandwich habang chickpea at tamarind salad naman ang kay Matteo.
Natuwa naman ang mga tagahanga sa pinost nitong mini travel vlog nila at masaya raw ang mga ito na pinararanas ni Matteo ang normal life kay Sarah dahil hirap nga silang magpaka-normal ‘pag nandito sila sa bansa natin na madalas pagkaguluhan sa labas.
Sen. Bong, ayaw tantanan ng mga naninira!
Basta kahit ano pang sabihin, para sa akin si Bong Revilla na ang pinaka-compassionate at very kind na tao.
Hindi lang alam ng marami kung ano at gaano na karami ang natulungan niya nang palihim sa kanyang capacity bilang opisyal at kahit sa showbiz.
Kung minsan nga ako pa ang nabibigla ‘pag bigla na lumalapit at nagpapaabot ng salamat dahil sa tulong na binigay niya.
Kaya hindi nakakahinayang to take a bullet for Bong Revilla. He is definitely worth it. Talagang he is a good person at hindi bait-baitan school of acting. Trustworthy at talagang gentleman.
At bakit ko ulit naungkat? Kasi nga merong mga demolition squad na kumakalat na naman na para bang takot na takot kaya panay ang sira kay Bong Revilla.
You cannot put a good man down, marami nang napagdaanan at nalusutang problema si Bong Revilla, hinasa na iyan ng panahon, pinatibay na ng mga problema, kaya keber na siya diyan. Laban na lang kayo nang fair baka sakali pa pansinin niya kayo.
- Latest