^

PSN Showbiz

Nanay ni Carlos Yulo napagalitan ng abogado, tatay naghimutok na ‘di sila nagnakaw ng pera

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Nanay ni Carlos Yulo napagalitan ng abogado, tatay naghimutok na �di sila nagnakaw ng pera
Angelica Yulo
STAR/File

Umiiyak si Angelica Yulo, ang ina ng two-time gold medalist na si Carlos Yulo nang humarap sa media kahapon.

Kasama ni Angelica ang kanyang asawang si Mark Andrew Yulo, ang panganay nilang anak at ang legal counsel nilang si Atty. Raymond Fortun.

Naging emotional si Mrs. Yulo na humingi ng paumanhin sa kanyang anak, dahil sa ipinost niya sa kanyang Facebook account.

‘Yung isyu ng pera na naging problema nilang mag-ina ay ayaw nang masyadong idetalye ni Angelica. “Kami na lang po ang magdi-discuss niyan sa family namin in private po,” medyo naaalangan pang pahayag ni Angelica.

Pero nalulungkot siya dahil sa halip na magbunyi sila sa tagumpay ni Carlos Yulo, nahaluan ng ganitong isyu.

Masama ang loob niya dahil gustung-gusto sana niyang makausap ang kanyang anak, pero wala pa talaga silang komunikasyon. “Miss na miss na po namin siya. Matagal na panahon na hindi namin siyang hindi nakakasama,” dagdag pa niya habang umiiyak.

Napagalitan nga raw siya ni Atty. Fortun dahil sa ipinost niya sa kanyang Facebook account, pero nadadala lang daw siya dahil nga sa hidwaan nilang mag-ina. Napuyat pa raw siya sa pagtutok sa laban ni Carlos, kaya kung ano ang na-post niya sa kanyang Facebook account.

Pero ‘yung ibang napo-post sa X ay hindi raw sa kanya ‘yun. May iba raw kasing lumalabas sa social media na hindi naman galing sa kanya.

Malinaw na raw ang lahat dahil huli na raw ‘yun at hindi na raw siya magsasalita lalo na sa isyu nilang mag-ina. “Hindi ako perpektong ina at alam ng Diyos na hindi ka rin perpektong anak at walang perpektong pamilya. Walang ibang hangad ang isang ina kundi ang ikabubuti ng kanyang anak at sa bawat miyembro ng pamilya. Sa paraan mang marahas, maingay, sana’y maunawaan mo na ang mga intensiyon ko ay malinis. Ako ay isang ina na nasaktan dahil ang mabait na anak na pinalaki ko nang maayos at ma­buting tao ay hindi na nakikinig sa mga paggabay ng magulang. Kung mali na naging mapagpuna ko sa nobya mo, humihingi ako ng patawad, dahil nanay lang ako na nag-aalala.”

Naalangan pang sumagot si Angelica kung matatanggap na ba niya ang girlfriend ni Carlos.

Sa ngayon ay gusto raw sana niyang magkasama sila kagaya ng dati na kahit walang pera, masaya sila.

Kung ano man daw ang desisyon ni Carlos sa perang nakuha nito, ang incentives na ibibigay sa kanya ay kanya na raw ‘yun at hindi raw sila makikialam.

Bukas daw ang pinto nila para sa pagbabalik ng kanyang anak, dahil nami-miss na raw siya ng kanyang mga kapatid.

Makabagbag damdamin din ang pagyakap nang mahigpit ng ama at ina ni Carlos.

Ang sabi ng ama ni Carlos, hindi nila ginalaw ang pera ni Carlos. Kung nagamit man ‘yung pera na ipinasok sa bank account ng kanyang ina, ‘yun ay para rin daw sa anak.

Paliwanag ng kanyang amang si Mark Andrew, hindi raw naubos ang pera, dahil kinuha raw niya ‘yun sa bank account ng kanyang ina. “6M pa lang ‘yung pera niya, then naging 11M. Hindi naubos ‘yun. Bakit namin nanakawin ‘yan.

“Kung nasa amin ‘yung pera, sana umalis na kami sa looban. Sana may mga account na kami, may kotse na kami. Wala nga kami, nagco-commute lang kami.

“Ano ‘yung social media e, ‘yung mga nagco-comment, lalong pinapalala e. Nagbabago lang ‘yun ano. Kaya nga hindi na ‘yan nakatulog e. Ayoko na mag-Facebook. Nakadalawang gold tayo, tapos ganyan!” himutok ng ama ni Carlos na si Mark Andrew Yulo.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with