KathDen, inulan ng yelong mala-golf balls!
Report sa atin ng mga kababayan sa Canada, may hale storm daw sa Calgary Canada at parang golf balls kalalaki ng bumabagsak na yelo mula langit. Nagkakabasagan daw ng salamin ng kotse at bahay. Doon pa naman ang shoot ngayon nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ng Hello, Love, Again.
Kumusta na kaya sila doon? Sana safe naman sila.
Carlos at nanay, naging perya ang away; GF laging nakaangkla
Naging circus na ang kaso ni Carlos Yulo dahil sa video na lumabas sa TikTok at sa presscon ng ina kahapon.
Kinailangan ba talagang gawin ‘yun? Pag-uusapan pa ba dapat sa publiko kung kanino ang final word? Nauna pa talaga ang nanay magpa-presscon sa anak? Balitang sa Aug. 17 ang balik ni Caloy sa Pilipinas.
Ano na kaya ang plano ng pamilya sa pagsalubong sa anak?
Puwede bang ceasefire muna sa personal na away ng pamilya?
Hindi kaya puwedeng tularan ni Carlos Yulo ang Ate Hidilyn Diaz niya na nagpugay sa birthday ng nanay niya at nagpahalaga sa kanyang manager? Tahimik muna ang nanay at girlfriend, at boses na lang muna ni Caloy na walang nakaangklang GF ang marinig?
Puwede sigurong mag-audition na lang ang GF sa Star Magic o Sparkle at kumanta ng Araw Gabi tulad ng meron sa YouTube niya.
Sana mapalitan ng good news ang lahat ng ito.
Kawawa kasi si Caloy, our Golden Boy.
Senado, ‘di sinipot ng mga akusado sa sexual harassment!
Naganap ang Senate hearing para sa kaso ni Sandro Muhlach on the alleged sexual harassment nina Jojo Nones at Richard Cruz?
Bakit nga ba hindi nag-attend ang dalawang akusado? Bakit kinailangang iisa ang kanilang abogado?
May tanong ng isang kaibigang lawyer, kung independent contractor pala ang turing sa dalawa, may power relations pa ba ito over Sandro Muhlach na kailangan para may basehan ang sexual harassment case?
Nakakataquote:
Movie nina Maris at Elijah, lalaban sa Toronto Filmfest
Panibagong Pinoy Film na naman na kikilalanin internationally. “SUNSHINE by Antoinette Jadaone is an official selection at the Toronto International Film Festival under the Centrepiece Programme! This is our third collaboration after That Thing Called Tadhana and Fan Girl. Her bravest work, I dare say. One of the most important voices of Philippine cinema belongs to a woman Sunshine is written and directed by Antoinette Jadaone and produced by Dan Villegas, Geo Lomuntad, and Bianca Balbuena, produced by Project 8 Projects in co-production with Anima Studios, Happy Infinite Productions, and Cloudy Duck Pictures.
“Stars Maris Racal, Annika Co, Jennica Garcia, Elijah Canlas, Meryll Soriano, Xyriel Manabat and a special cameo. Made by my fave people- lensed by Pao Orendain, designed by Eero Francisco, edited by Benjamin Tolentino, sound post by Vincent Villa all the way from Cambodiaaaaa, line-produced by Reign Anne De Guzman. I am in awe of your collective work, team!” – Bianca Balbuena, producer Anima
- Latest