^

PSN Showbiz

Docu film ng Sabungeros, na-lost!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Docu film ng Sabungeros, na-lost!

Ang pelikulang Balota ni Direk Kip Oebanda ang pinakamalakas na entry ng Cinemalaya 20 na nagsimula nang mag-showing sa Ayala Malls Manila Bay at ilang Ayala cinemas noong Sabado.

Noong Linggo, August 4 ang gala premiere nito sa Ayala Malls na dinaluhan ng bida na si Ma­rian Rivera kasama ang asawang si Dingdong Dantes.

Nandun din si Atty. Anette Gozon-Valdez at ang pamilya ni Dingdong para sumuporta kay Marian at iba pang mga kaibigang sina John Lapus, Boobay, direk Louie Ignacio, at ilang cast ng pelikula na sina Royce Cabrera, Donna Cariaga, Will Ashley, Joel Saracho, Sassa Girl, Raheel Bhyria at Will Ashley.

Bago sinimulan ang screening, nagkaroon muna ng ilang minutong katahimikan, para manalangin sa pagpanaw ni Mother Lily Monteverde.

Doon na rin kinumpirmang kinansela na ang isang entry ng CIne­malaya 20 na Lost Sabungeros na prinodyus ng GMA Public Affairs at GMA Pictures.

Ang sabing dahilan nang pagkansela nito ay “due to security concerns.”

Hindi nilinaw kung ano itong “security concerns” na sinabi pero may naririnig na kami kung sino ang nasa likod ng pagkansela nito.

“It’s heartbreaking,” sabi nga ng Kapuso executive na si Ms. Nessa Valdellon.

Nag-post  naman sa kanyang Facebook account ang isa sa producers ng investigative docu-film na ito na si Lee Joseph Marquez Castel.

Aniya; “Lahat ng banta, dapat sineseryoso.

“Pero ang hindi pagtuloy sa screening ng Lost Sabungeros sa Cinemalaya ay pagkapanalo ng inihahasik na takot.

Sana mapanood pa namin itong Lost Sabu­ngeros, at huwag namang tuluyang ma-lost.

Detalye ng halayan, parang pelikula

Nag-message sa messenger namin si Atty. Maggie Abraham-Garduque, ang legal counsel ng dalawang independent contractors ng GMA 7 na sina Jojo Nones at Richard ‘Dode’ Cruz.

Aniya; “Yes we confirm that we already received the complaint of sandro for sexual harassment against our clients filed before GMA. We are given a period of 5 days to answer.”

Ang komento ni Atty. Maggie; “Comment to the complaint?

“I don’t want to go to details but I just want to say that in every proceedings whether that is administrative or criminal, the person who alleged has the burden to prove. In the formal complaint one of the allegations of Mr. Muhlach was he was lured by our clients to go up to the hotel room. However, his own evidence proves otherwise. Based on the text messages, it was Mr. Muhlach who messaged Mr. Nones with ‘Andyan pa ba kayo sir Baka po pwede dumaan saglit haha.”

So ang lalabas nito ay it’s Sandro’s words against them.

Medyo nabitin lang ako sa comment ni Atty. Maggie. Kaya tinanong ko kung may karugtong pa ba iyun.

aSiyempre, gustong malaman nang lahat kung ano ang nangyari pagkaakyat ng hotel.

Sabi naman ni Atty. Maggie, kailangan lang daw niyang mag-comment, dahil nakasaad sa formal complaint na kailangan nilang sagutin ito in five days.

Hindi lang daw niya mailagay ang buong detalye dahil gagawin pa raw nila ang sagot sa formal complaint.

Nilinaw pa niya uli sa aming, ang isinampang reklamo ni Sandro Muhlach ay sexual harassment. Pero mas matindi pa roon ang ibinibintang sa dalawa. Rapist na ang lumalabas, base sa mga ibinibintang ng mga tao sa kanilang dalawa.

Sa totoo na lang tayo. Sana lumabas ang buong katotohanan pagkatapos itong imbestigahan, at kung magkaroon man ng hearing kapag umakyat sa korte ang kasong isasampa. Abangan!

vuukle comment

SABUNGEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with