^

PSN Showbiz

Gold medal ni Carlos, may katapat daw na P100 milyon?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gold medal ni Carlos, may katapat daw na P100 milyon?!
Chloe at Carlos Yulo.
STAR/ File

Nilunod noong isang gabi ang ginanap na Luna Awards ng Film Academy of the Philippines (FAP) ng gold medal victory ni Carlos Yulo sa Gymnastics Floor category.

Ibang level nga naman dahil si Carlos Yulo lang ang second gold medalist ng bansa sa Olympics. Nauna na si Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics.

At trending kaagad ang #LabanPilipinas.

All eyes on Carlo at ang iba ay nag-compute na kaagad ng magiging incentives niya.

Malamang daw makatanggap ito ng more than P100 million or more pa.

May sosyal na condo at brand new car na kaagad ang sinasabing naghihintay sa pagbalik niya ng bansa kasama ang girlfriend na si Chloe Anjeleigh San Jose.

“We did it all in God’s name!” sabi ng karelasyon ng Olympic gold medalist na may gold medal emoji.

Anyway, pati si Vice Ganda, nag-invite kaagad sa kanyang bar.

“Congratulations Carlos Yulo for bagging the Gold in Men

s Floor Exercise!!!!!!  Maraming salamat sa karangalang binigay mo sa Pilipinas! Pag-uwi mo dumeretso ka sa Vice Comedy Club libre ka na sa entrance may kasama pang nachos at bottomless iced tea! Chozzzz!!!!”

Eh ang Luna Awards, parang preempted na ang mga kaganapan.

Kaya naman talagang busy ang mga mga nagbantay sa laban ni Carlos Yulo sa pagpo-post ng kanyang golden moments habang nanonood sa One Sports na live napapanood ang mga laban sa Paris Olympics.

Bago si Carlos Yulo ay tinutukan din ang naging laro ni EJ Obiena sa Pole Vault. Marami muna ang na-tension pero pasok siya sa qualifying round.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with