^

PSN Showbiz

Sandara, ipinakita ang marka sa balat

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sandara, ipinakita ang marka sa balat
Sandara Park.
STAR/ File

Ang bongga naman ng 2NE1 member and K-pop star na si Sandara Park na nasa Manila ulit.

Kasalukuyan nga siyang nasa bansa para sa kanyang concert.

Ipinost niya ang litrato niya habang nasa kanyang hotel room sa Manila. “Good night, Manila,” caption niya na siguradong nakapag-beauty rest bago ang kanyang concert.

Makikita kasi sa photo na tila sobrang komportable siya sa kanyang kama.

Pero may isang netizen ang nakapansin sa kanyang paa ng tila malaking pasa kaya tinanong nito kung ano ang nangyari roon pero mabilis ang naging sagot ng mga loyal fan niya na mukhang nasundan talaga ang idolo nila dahil balat o birthmark lang daw pala iyon.

“So happy to meet my Daralings, Blackjacks PH, and Acer family after a year,” dagdag niya.

Inanunsyo ng nakaraang buwan na magkakaroon ng comeback ang grupo nilang 2NE1 at magkakaroon din ng world tour ang mga ito.

Nakalinya na nga ang kanilang mga show na gaganapin sa Seoul, Osaka at Tokyo na magtutuluy-tuloy hanggang sa susunod na taon.

Maaalala ngang na-disband noong 2016 ang kanilang grupo na kabilang sina CL, Bom, Minzy, at Sandara pero nagkakaroon naman sila ng mini-reunions sa nakalipas na taon.

Samantala kahit wala siyang concert ay patuloy ang pagbisita niya sa bansa na kamakailan lamang ay ga­ling siyang Bohol kasama ang South Korean actor na si Jung Il Woo na kaibigan daw niya sa loob ng 16 years.

Marami na rin siyang mga kaibigan na naipasyal sa bansa kagaya na lamang din ng 2NE1 member na si Minzy na kasama rin niya kamakailan sa pagbalik sa lugar kung saan siya tumira noon sa Pasay.

Consistent nga si Sandara sa pag-promote ng Pilipinas at sa pagpapakita ng pagmamahal niya sa bansa.

vuukle comment

2NE1

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with