^

PSN Showbiz

Sue, nagluluksa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sue, nagluluksa!
Sue Ramirez at Lola
STAR/ File

Nagluluksa ang aktres na si Sue Ramirez sa pagkamatay ng lola niya na tinatawag niyang ‘Mama.’

Ipinost ng karelasyon ni Mayor Javi Benitez ang litrato nila ng kanyang lola na black-and-white photo. Mahaba ang caption nito kung saan binigyang-pugay niya ang kanyang mama na pumanaw noong Tuesday.

Isa raw ang kanyang lola sa pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay at alam ito ng mga nakakakilala sa kanya nang lubos.

Hindi raw kailanman magiging sapat ang mga salita para ipaliwanag ang pagmamahal at pagpapasalamat niya roon.

Ito pala ang nag-alaga sa aktres habang lumalaki siya. Ito ang naging kasama niya noong mga panahong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Hindi raw nito ininda ang pagod at puyat at kahit kailanman hindi raw niya ito narinig na umangal at hindi rin ito nawala sa kanyang tabi.

Sa kanyang mama raw talaga niya naramdaman ang maging #1.

Nagpasalamat nga si Sue sa kanyang lola sa pagiging selfless nito.

“Mahal na mahal kita, Mama. Salamat sa napaka-selfless na pagmamahal na ibinigay at itinuro mo saakin. Habang buhay nang may butas ang puso ko dahil sa pagkawala mo. Habang buhay ko mamimiss na asarin ka at kumandong sayo. Yung boses mo at ngiti mo,” bahagi ng caption niya.

Ramdam na ramdam nga sa post ni Sue ang kanyang lungkot.

Tinawag niya itong “purest form of love that I have ever known.”

“I will forever keep your memory alive, Ma. Sa isip at sa puso ko hinding hindi ka mawawala,” mensahe niya pa sa kanyang lola.

Hiling ni Sue ay sana raw ay mai­singit sa dasal ang kanyang mama. Nadag­dagan daw ang anghel na nagbabantay at umaalalay sa kanya.

vuukle comment

SUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with