^

PSN Showbiz

Heart, ‘di na apektado ng mga nananabotahe!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Heart, �di na apektado ng mga nananabotahe!
Heart Evangelista.
STAR/ File

Nagsalita ang Kapuso Global Fashion Icon na si Heart Evangelista sa kanyang Instagram live tungkol sa diumano’y mass reporting at pananabotahe sa kanyang fashion videos.

Nangyari kamakailan lamang sa misis ni Sen. Chiz Escuderoang pananabotahe diumano sa kanyang Instagram Reel na umani ng less than a million views.

Nakatanggap daw siya ng mensahe tungkol sa kanyang last reel na KENZO. Maganda raw ang video at na-enjoy niya pero meron daw mga grupo na nanabotahe na naman sa kanyang social media account na kinagalit ng kanyang mga tagahanga.

Nagpasalamat naman ang aktres sa kanyang followers na nagbabala sa kanya tungkol dito at sinabing “We’re fine. We’re living, so hayaan na” at hindi raw nila kailangang ma-haggard.

Naalala pa raw niya noong mga panahong iniiyakan niya ang mga video niya na may mababang views dahil ‘numbers’lamang daw ang mahalaga sa kanya noon.

Pero hindi na raw ito mahalaga ngayon at sinabing “Let’s just be happy and not get angry.”

Inamin niya na kahit trabaho niyang dumalo sa fashion weeks, ito rin daw ang bagay na talagang nae-enjoy niya.

“In fact, yes, it was a living, it’s what I do, but it is not only what I do,” sey niya.

“Isang ubo ko lang, nagagastos ko rin ‘yung kinita ko, so hindi rin siya for a living,” dagdag niya pa.

Maaalalang nag-open up nakaraang taon si Heart tungkol sa ‘dirty tactics’ nang ang kanyang online content ay nasa shadow ban diumano.

Nabanggit din niya ang ‘black propaganda’ na ginamit laban sa kanya.

Pero tinanggi naman ng isang TikTok executive sa GMA News Online na walang shadow ban.

At meron ding pangyayari nung nakaraang taon kung saan ninakawandaw siya ng contacts na kanyang pinagtrabahuhan ng ilang taon para makabuo ng connections sa international fashion scene.

Pero ngayon nga unbothered na siya at nag-live lamang siya para pakalmahin ang kanyang fans. Bongga.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with