^

PSN Showbiz

Sanya, takot sumubok sa dating app!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sanya, takot sumubok sa dating app!
Sanya Lopez
STAR/File

Nagkwento ng kaunting detalye ang Kapuso actress na si Sanya Lopez tungkol sa kanyang future relationship sa online podcast ni Nelson Canlas.

No boyfriend since birth ang kapatid ni Jak Roberto pero walang duda na marami siyang admirers.

Kaya naman ang tanong ng marami ay kung bakit nga ba hindi pa ito nagkakaroon ng karelasyon.

Tipo raw talaga niya ang guwapo at matangkad pero importante raw ang ugali ng kanyang makakarelasyon at dapat daw at mabait ito at magja-jive sila.

“Syempre, guwapo. Gusto ko ‘yung matangkad sa akin. ‘Yun rin talaga. Tsaka gusto ko ‘yung jive kami pagdating sa… ‘yung personality namin and gusto ko talaga ‘yung nice person. Like, very kind sa lahat na ‘yun ‘yung lagi kong sinasabi. Importante sa akin na kung mabait ka sa presidente, dapat mabait ka sa mga janitors. Kasi doon mo makikitaan talaga kung gaano ka kabuting tao,” bahagi ni Sanya.

Gusto raw talaga niya ay seryoso na ito sa kanya dahil wala na raw siyang panahon para sa laro.

Nasubukan naman na raw niyang makipag-date noon pero hinahanap pa rin niya ang the right one niya.

Ngayong nauuso na ang online dating ay hindi pa raw niya ito nasusubukan dahil parang nakakaramdam daw siya ng takot.

“Parang takot ako eh. Kasi lalo na sa artista kasi. Parang they see you na perfect, eh. Wala kang kahit na parang... ‘Pag kasi feeling ko, or sa akin lang siguro ‘to, na kapag nandoon ka sa isang dating app, eh, ‘di naman po ako against doon sa ibang gumagamit ng dating app. Parang ‘yung mga artista, kapag nakita ng ibang tao, ‘Oh, ano’ng ginagawa niya doon? So wala ba nanliligaw sa kanya? Wala ba nagkakagusto sa kanya?” dagdag pa niya.

Pero nilinaw niyang hindi naman siya against sa mga gumagamit ng dating app.

Sa ngayon ay focused siya sa kanyang trabaho lalo na’t abala siya sa seryeng Pulang Araw.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with