^

PSN Showbiz

AllTV, nabigla sa pagpasok nila Vice

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
AllTV, nabigla sa pagpasok nila Vice
It’s Showtime hosts
STAR/File

Kahit ang ilang mga taga-AllTV ay nagulat na lang sa biglaang pagpasok ng It’s Showtime sa kanilang istasyon.

Nagsimula ito noong Lunes, June 17, at marami rin ang naloka na nadagdag ang AllTV sa istasyon ng naturang noontime show.

Kaya kapag nasa free TV ka, parang bumalik lang ang ABS-CBN 2 dahil halos lahat na Kapamilya shows ay nasa Channel 2 na ng AllTV.

Bukod sa It’s Showtime ay papasok na rin daw ang Goin’ Bulilit na pinagbibidahan ng mga Showtime Kids.

Hindi na-promote nang maayos ang pagpasok ng It’s Showtime sa AllTV dahil karamihan sa mga tagaroon ay walang ideya sa naganap noong Lunes.

Wala rin daw silang ideya sa usapan na ‘yun ng AllTV at ABS-CBN.

Pero lalong lumawak nga ang exposure ng It’s Showtime, kaya consistent na talagang mataas ang rating kahit humupa na ang mga isyu nito sa segment nilang EXpecially For You.

Sylvia, binusalan ang bibig para sa apo

Kahit open na ang mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa kanilang pagkakaroon ng baby, ayaw pa ring magsalita ni Sylvia Sanchez tungkol dito.

Gusto na raw niyang ibigay ang moment na ito sa kanyang anak.

Kaya kahit anong pilit namin sa kanya na gusto lang naming hingan ng pahayag sa nalalapit na pagdating ng kanyang first apo, ayaw pa rin niyang magsalita.

“Hiningi sa akin ng mga anak ko. Shut up muna ako!

“Basta nirerespeto ko ‘yung hinihingi sa akin ng mga anak ko,” matipid na sagot sa amin ni Sylvia nung huli naming nakatsikahan.

Aminado siyang madaldal, pero dito sa kanyang apo, nakasara ang bibig niya. Pero nakikita namin kung gaano ka-excited ang premyadong aktres sa kanyang pagiging lola.

Malamang na isa rin ito sa mga dahilan kung bakit karamihan ay animated films, mga pambata ang mga binili nilang pelikula sa Cannes International Film Festival na idi-distribute nila dito sa Pilipinas.

Waging-wagi kasi ngayon ang mga animated films dito sa atin, kagaya nitong showing pa rin sa mga sinehan natin, ang Inside Out 2 na as of Monday, naka-P451 million na ang kinita nito.

Halos lahat na mga sinehan ay nakuha na nito. Kaya nawalan na tuloy ng mga sinehan ang mga pelikulang lokal na nakakasabay nitong nag-showing noong nakaraang Miyerkules.

Extended pa rin ito sa mga sinehan at tiyak na sasagasaan pa rin nito ang mga nag-showing kahapon na Karma ng Viva Films at iba pang foreign films na Cabrini, The Bikeriders at The Exorcism.

BGYO naghain ng cyber bullying, kilalang personalidad kinasuhan din

Nagsampa na ng kaso ang grupong BGYO laban sa mga patuloy na namba-bash sa kanila sa social media.

Umabot na sa Cyber Bullying ang ginawa sa kanila, kaya umabot na sa demandahan.

Kinukuha pa namin ang buong detalye, may nakuha kaming mga litrato mula sa reporter namin sa DZRH na kuha sa Quezon City Prosecutor’s Office kahapon.

Hindi lang ibinigay sa amin kung ano ang eksaktong kasong isinampa, pero mukhang Cyber Libel ito dahil wala pa namang Cyber Bullying sa batas.

Bukod pa riyan, ayon sa ilang napagtanungan namin, meron pa raw ilang grupo ng netizens ang sasampahan nila ng kaso.

Parang first batch pa lang daw itong kinasuhan nila, dahil meron pa raw ilang grupo ang kakasuhan ng naturang P Pop group.

Nasagap din namin na merong isang kilalang taga-showbiz ang kinasuhan ng BGYO. Ayaw lang sabihin sa amin kung sino ito.

vuukle comment

IT’S SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with