^

PSN Showbiz

Bela nawindang sa nambibiktima sa kasal niya

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bela nawindang sa nambibiktima sa kasal niya
Bela Padilla

Naloka si Bela Padilla sa lumabas na YouTube video na ikinasal na sila ng boyfriend niyang Swiss na si Norman Bay.

May mga naniwala sa nasabing fake news dahil makikita ngang naka-wedding gown ang actress.

Kaya naman ang daming nag-message sa kanya para-icongratulate siya.

At dun na nag-tweet si Bela para linawing wala pa siyang asawa at ‘di pa siya ikinakasal. “Not married. Stop congratulating me guys,” unang tweet ni Bela.

Hanggang nag-share na siya ng nasabing video na parang pinalalabas na ikinasal na siya.

“Just Now! THE INTIMATE WEDDING nina BELLA PADILLA at NORMAN WAY...”

Parang nabwisit na si Bela, nag-tweet na siya ng  “Can we all please report this account that keeps spreading fake news. That clickbait photo is from a teleserye scene.”

Daming fake news sa YouTube sa true lang.

Ang YouTube ngayon ang hangout ng ibang fake news spreader. At nadadala naman sa clickbait ang iba kaya kumikita sila.

Aktor, sagad ang katamaran

Nuknukan pala ng tamad ang isang actor kaya’t lagi siyang late sa taping ng mga ginawa niyang teleserye.

Ang bigat daw ng katawan nitong gumalaw samantalang ang bata pa naman at walang nararamdaman.

Pero grabe raw ang katamaran nito.

Minsan daw sa taping, mga apat hanggang limang oras itong late.

Pero hindi naman daw mapagalitan ng production dahil bida siya ng serye at sikat talaga.

Dasal ng mga nagmamalasakit sa actor, magbago na siya.

Dahil walang mangyayari sa buhay niya kung itutuloy ang pagiging tamad.

vuukle comment

ACTRESS

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with