^

PSN Showbiz

Inigo, ‘di na halos nakakasama ni Piolo

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Inigo, �di na halos nakakasama ni Piolo
Inigo Pascual.
STAR/ File

Simula ngayong ay Lunes ay mapapanood na ang Pamilya Sagrado na pinagbibidahan ni Piolo Pascual. May ilang mga nagtatanong sa aktor kung bakit hindi na kabilang ang anak na si Inigo Pascual sa bagong serye. “He’s busy in the States, he’s doing some work in the States. That’s his priority for now. But if given a chance, we’ll cross the bridge when we get there. I think my son is not comfortable working with me, magtatawanan lang kami siguro,” nakangiting bungad ni Piolo.

Ayon sa aktor ay bihira lamang din niya nakasama si Inigo noon habang lumalaki ito. “He didn’t grow up with me, he grew up with his mom. He would just come to me, or kung wala akong trabaho I come to him. Especially when I come to the States, I come to him once or twice a year. So wala kami masyadong physical relationship or contact,” pagtatapat ng Ultimate Heartthrob.

Ngayong nasa hustong gulang na si Inigo ay nahihilig daw ang binata sa mga negosyo. Suportado ni Piolo ang lahat ng mga ginagawa ng anak. “Now that he’s almost 30s, he’s turning 27, he’s like, ‘Pa, I want to do this business. Who can I partner up with? How can I start this business? Can I use your contact?’ I was like, ‘Son, this is okay. Gather it all, write it down, and discuss it when I see you next month.’ So nando’n na siya sa puntong ‘yon. But growing up, how I was as a father, hindi naman ako tolerant. I am really a cool dad. So, every time kami magkasama, I make it appear as if it’s the last year of the world. Now that’s he’s an adult, kapag nagtu-tour ako, he comes to my tour. Then during break, magkikita kami. We just spend father & son time together. As a father I’m a cool dad and I can be a friend,” pagbabahagi ng aktor.

Juday, ‘di kinakalimutan ang sarili

Kapansin-pansin ang magandang awra si Judy Ann Santos. Para sa aktres ay talagang masaya siya sa kanyang personal na buhay kaya nananatiling maayos ang kaanyuan. “Kapag masaya kasi masaya ka sa ginagawa mo. Kapag masaya ka sa trabahong pumapasok sa ‘yo, buong puso mo lang siyang tinanggap. Kasi gusto mo ‘yung ginagawa mo eh. So, I guess ‘yon ang lumalabas sa ‘yo na lahat na nang ginagawa ko ngayon, galing sa puso ko. Buo ang pamilya ko and I am super blessed and I am super thankful for that,” paliwanag ni Judy Ann.

Bukod sa pag-aalaga sa kanyang buong pamilya ay hindi naman nakakalimutan ng Young Superstar na alagaan din ang sarili. “Thank you, Lord, sa mga taong patuloy na nag-aabang, naghihintay, nanonood at sumusuporta. Siguro part na rin ng glow ay mayroon kang self-love na binibigay sa sarili mo. Importante na may oras ka sa sarili mo kahit konti na lang. It is something na deserved ng kahit na sino. Hindi lang ng nanay, hindi lang ng magulang, kahit na sino. You deserved to be taken care of. And I am super grateful for everything. Masaya lang talaga ako and wala na akong pwedeng hanapin eh,” makahulugang pagbabahagi ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with