^

PSN Showbiz

Bamboo 10 years naging coach...Jillian Pamat, grand champion ng Voice Teens…

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bamboo 10 years naging coach...Jillian Pamat, grand champion ng Voice Teens�
Bamboo at Jillian Pamat

Hinirang bilang grand champion ng The Voice Teens Season 3 ang singing kontesera ng Bukidnon na si Jillian Pamat ng Kamp Kawayan sa katatapos lang na live Final Showdown nitong Sabado at Linggo (May 18–19).

Ipinamalas ni Jillian ang kanyang husay sa kanyang final performances, kabilang ang kanyang duet act ng Tatsulok kasama si Coach Bamboo, rendisyon ng Sarah Geronimo hit na Ikot-Ikot, at ballad twist ng 1994 rock classic Tag-Ulan.

Matapos nito ay itinanghal siyang kampeon nang makahakot ng pinakamataas na audience votes with 53.09%.

Sumunod sa kanya ang MarTeam hopeful na si Steph Lacuata na may 24.99% at third naman ang Team Supreme artist na si Yen Victoria na nakakuha ng 21.91%.

Labis ang pasasalamat ni Jillian sa mga sumuporta sa kanyang The Voice Teens journey.

Samantala, pinuri naman ni Coach Bamboo si Jillian at sinabing karapat-dapat siyang tanghaling kampeon ng kumpetisyon.

“I expected it because she put the work in. Gusto ko rin sabihin na maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa kanya. She’s a very deserving champion. I have such a talented and beautiful spirit here with me. I’m forever thankful for her and this moment,” saad niya.

Nakatanggap din si Bamboo ng special recognition mula sa The Voice Philippines bilang isa sa mainstay coa­ches ng reality singing competition magmula 2013.

Bilang grand champion, mag-uuwi si Jillian ng recording at management contract mula sa Universal Music Group (UMG) Philippines, pati P1 milyon mula naman sa ABS-CBN Studios.

Matapos ang 10 season, nakadiskubre at nakapagprodyus ng world-class Pinoy singers ang ABS-CBN adaptation ng The Voice, kung saan nakilala sina Lyca Gairanod, Darren Espanto, JK Labajo, Elha Nympha, Kyle Echarri, Mitoy Yonting, Jason Dy, Klarisse de Guzman, Morissette Amon, Moira dela Torre, at iba pa.

Lubos ding nagpasalamat ang hosts nito na sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez sa mga bumubuo ng programa, mula sa staff, dating coaches nitong sina Sarah Geronimo, Lea Salonga, Apl.de.ap, at Sharon Cuneta, pati mga nagdaan nitong host na sina Luis Manzano, Alex and Toni Gonzaga, Yeng Constantino, at Kim Chiu. (SALVE V. ASIS)

vuukle comment

SINGER

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with