^

PSN Showbiz

GMA Network, muling humakot ng panalo sa NYF TV & Film Awards

Pilipino Star Ngayon
GMA Network, muling humakot ng panalo sa NYF TV & Film Awards
Sa ginanap na virtual Storytellers Gala nitong April 17 (Philippine time), nakakuha ng anim na medalya ang GMA Public Affairs.

Nag-uwi ang GMA Network ng pitong medalya kabilang na ang isang World Gold medal mula sa 2024 New York Festivals TV & Film (NYF) Awards. Ito ang unang pagkakataong nanalo ang lahat ng shortlisted entries ng GMA.

Sa ginanap na virtual Storytellers Gala nitong April 17 (Philippine time), nakakuha ng anim na medalya ang GMA Public Affairs.

Muling nasungkit ng bi-monthly public affairs program na The Atom Araullo Specials ang World Gold Medal para sa dokumentaryong Batas Bata (Child’s Game) sa Documentary: Social Justice category.

Nanalo rin ang Hingang Malalim (One Deep Breath) ng The Atom Araullo Specials ng Silver Medal sa ilalim ng Documentary: Human Concerns category.

Nag-uwi naman ng tatlong medalya ang flagship documentary program ng GMA Public Affairs na  I-Witness.

Nasungkit ng dokumentaryo ni Atom na Bawat Barya (The Price of Dreams) ang Silver Medal sa Documentary: Social Issues category.

Nakakuha naman ng Bronze Medal ang mga dokumentaryong Boat to School ni Howie Severino at Sisid sa Putik (Rise from the Mud) ni Mav Gonzales.

Umarangkada rin sa global stage ang action-packed series ng GMA Public Affairs na Black Rider na nanalo ng Bronze Medal sa Entertainment Program: Drama category. Ito ay pinagbibidahan ni Primetime Action Hero Ruru Madrid.

Nagwagi naman ang dokumentaryo ng GMA Integrated News (GMAIN) na Sundo: A GMA Integrated News Documentary ng Bronze Medal sa News Program: News Documentary/Special category. Ito ang kauna-unahang news documentary na handog ng GMAIN 360.

Kinikilala ng New York Festivals TV & Film Awards ang mga content mula sa mahigit 50 bansa. Ang GMA Network ang nag-iisang local broadcasting company na mayroong shortlisted entries ngayong taon.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with