^

PSN Showbiz

Sarah, sinagot ang tungkol kina Richard at Barbie

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Sarah, sinagot ang tungkol kina Richard at Barbie
Sarah Lahbati
STAR/File

MANILA, Philippines — Naharang si Sarah Lahbati na eeskapo na sana, pero napigil ng press sa presscon ng Lumuhod Ka Sa Lupa. Kaya lang, walang nakuhang sagot sa mainit na isyu, gaya sa may photo raw sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial na magkasama noong Holy Week.

“No Reaction” ang naging sagot ni Sarah at saka, ngumiti nang buong tamis.

Doon naman sa isyung nakunan siya ng photo na may kasamang guy sa Hong Kong na kumakain, ang sabi ni Sarah, friend lang niya ang guy. Saka, marami siyang friends na kinita noong nasa Hong Kong siya.

In fairness, walang nagtanong tungkol kina Richard at Annabelle Rama at ang sabi lang ni Sarah, busy siya sa mga dumarating na projects.

Focused din siya sa pag-aalaga sa dalawang anak nila at kapag may trabaho siya, ang mom niyang si Esther Lahbati ang nag-aalaga.

Ang Lumuhod Ka Sa Lupa ang comeback niya, “I said yes agad, agad when I read the script and know the story. I also have to work. I have to provide for my two sons,” wika niya.

May tanong kung tuluy-tuloy na ang pagiging active niya sa showbiz, “Yes” ang sagot niya. In fact, may naka-line up na siyang two projects na gagawin and of course, maraming endorsements.

Anyway, sa April 8, 2:30 p.m., na ang premiere ng Lumuhod Ka Sa Lupa sa TV5.

Produced ito ng Sari-Sari at Viva Studios at sa direction nina Albert Langitan at Roderick Lindayag.

Leon, lumambot sa ama!

Masaya nito si Dennis Padilla dahil sumagot si Leon Barretto sa kanyang birthday gree­tings. Pinost ni Dennis sa Instagram ang birthday greetings niya sa anak na ang sabi, “Dear Leon Marcus, Happy b-day Anak. God bless you more! We love you!!” at nakasulat ang “Papa.”

Kahit “Thank you Papa” lang ang sagot nito, marami ang natuwa para kay Dennis at pinasalamatan si Leon for making his Papa happy.

May nag-comment na good job ang ginawa nito at dapat daw ganu’n, bati-bati na lang, wala nang away.

May nag-comment pa nga na dahil sa ginawa nito, pina-follow na niya uli ito.

Ibig sabihin, in-unfollow niya sa Instagram si Leon dahil kay Dennis.

Itim na singsing, inintriga!

Mga comment na “Sana kayo na lang,” “Ligawan mo na” at “Bagay silang dalawa” ang nabasa namin sa post nang photos nina Alden Richards at Kathryn Bernardo nang dumalo ang una sa post birthday party ng huli. Marami ang kinilig sa pagdating ni Alden na may dalawang big bouquet of flowers at birthday gift for Kath.

Isa pang kinakiligan ng fans ay ang black ring na parehong suot nina Alden at Kathryn na hindi nakaligtas sa fans. May nag-comment na couple ring na ang suot ng dalawa, may nagsabi naman na promise ring ‘yun at may nagtanong kung coincidence lang ba na pareho silang may suot na black ring?

Anyway, bago pa lumalim ang haka-haka ng lahat tungkol sa ring, may nagsabi na Oura ring ang suot nila. Tracking ring naman ang tawag ng iba dahil tina-track nito ang mood, sleep, at health condition ng wearer. Para rin itong Apple watch at maraming celebrity ang nagsusuot gaya ni Daniel Padilla.

Anyway, kahit para saan pa ang ring, basta marami ang kinilig sa kanila. Sana raw, hindi lang dahil may project silang gagawin kaya sweet siya kay Kathryn, kahit wala munang ligawan. Gusto ng iba, ‘wag muna magpaligaw si Kathryn at i-enjoy muna ang pagiging single.

vuukle comment

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with