^

PSN Showbiz

Claudine aminadong matapang, itinangging natakot sa kanya si Jodi

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Claudine aminadong matapang, itinangging natakot  sa kanya si Jodi
Claudine Barretto.
STAR/ File

Tinanggi ni Claudine Barretto na siya ang dahilan kaya wala si Jodi Sta. Maria sa birthday surprise for Mr. Johnny Manahan last weekend.

True ba na natakot si Jodi na magkaroon sila ng encounter sa nasabing party?

“No, no, wala akong alam dyan. Gusto ko ngang iklaro na wala akong alam dyan. Kasi she has a lot of right to be there as much as I am... as I should be, kasi. It’s not about a friends’ party, it’s about your mentor’s party. Birthday tribute ‘yun to Mr. M.

“So she has many rights na pumunta. So hindi totoo ‘yun, wala akong ganung power para gawin ‘yun. Hindi talaga,” pagdidiin ng actress sa round table interview with Beaver Magtalas para sa pelikulang When Magic Hurts days ago.

Dagdag niya pa “Hindi rin natin alam kung nag-back out ba o baka naman may something siya nung araw na ‘yun, ‘yun ganun, baka naman meron siyang prior engagement or something.”

Pano kung andun si Jodi? Anong mangyayari? Si Jodi ang sinasabing karelasyon ngayon ex-husband ni Clau na si Raymart Santiago.

“Mag-iiwasan siguro. Ako naman diretso, totoong tao naman ako. Alam naman lahat ng tao na matapang ako. Alam mo ‘yun normal lang naman akong tao na nagagalit. Nagkataon lang naman na artista ako, so bini-big deal ‘yun kapag nagalit ka, sasabihin nila war freak ka ganyan, pero walang ganun, hindi ko alam ‘yun,” depensa pa niya.

Actually ang duda niya: “Siguro siya ang iiwas hindi ako, I mean... Mga anak ko na ang involved dito, ‘yun lang masasabi ko, ‘yung totoo lang,” sabi pa ng actress.

Anyway, sa ngayon ay hinihintay na lang daw nila ang resulta ng kasong VAWC (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004).

Samantala, sinabi ni Claudine na maayos na ang mommy niya matapos mahulog sa escalator sa isang mall.

Eighty-three years old na ito pero ayaw daw talaga nito ng may kasama ‘pag namamasyal.

Ok na ok na rin sila ng pamangkin niyang si Julia Barretto.

“So ang ganda nung gabing ‘yon (birthday ni Mr. M). Kasi syempre nakasama ko ulit ‘yung pamangkin ko (Julia Barretto) na nakakasama ko naman sa mga family gathering namin pero madalang lang naman talaga ‘yon. So hindi kami talaga… nagbibigay-respeto siya, nung nakita na niya, lumapit na kaagad siya.”

Nag-usap kayo ni Julia?

“Yes, nag-usap kami. Ngayon nag-aano kami… una kasi ‘yung WhatsApp, ang binubuksan ko lang talaga ay text. Eh ngayon, pati si Dominique (daughter nina Tonyboy Cojuangco and Gretchen Barretto) sabi niya ‘Ate, mag-WhatsApp na lang tayo, ganyan-ganyan.’ So o sige, nag-open ako ng WhatsApp, na hindi ko naman ginagamit.

“And that time, that night pagkaupo ko tamang-tama pinost lahat ng likes, pero nakita ko na sa malayo si Julia. So ito ‘yung table niya, ito ‘yung table ko tapos ‘yung hand niya, nag-ano na sa akin, parang nag-pull na siya tapos tumayo na siya tapos nag-hug.”

Siya unang lumapit?

“Oo, siya talaga una. Hindi naman bastos ‘yung pamangkin ko. Siya talaga ‘yung unang um-ano naman. Kahit naman hindi siya, lalapitan ko rin kasi ‘yun lang talaga ‘yung chance na mayayakap ko siya talaga, alam mo ‘yun, na that night na syempre walang awkwardness, or walang konting tension. ‘Pag family gatherings kasi may ganon, ‘di ba, so ‘yun,” mahabang kuwento pa ni Claudine sa amin.

Sinabi rin ni Claudine na nag-uusap naman sila ng kanyang Ate Gretchen Barretto na tinawagan niya raw nung birthday pero nasa Hong Kong lang nga.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with