^

PSN Showbiz

Tali, laging binabasahan ang kapatid nA sanggol

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Tali, laging binabasahan ang kapatid nA sanggol
Tali at Mochi
STAR/File

Tuwang-tuwa ang netizens sa mga ipino-post ni Pauleen Luna sa bagong baby nila ni Vic Sotto na si Thia Marceline o si Baby Mochi.

Halos lahat ng mga nagko-comment ay nagsasabing kamukha ng side ni Pauleen.

Kapag ang Mommy ni Pauleen na si Mommy Chat ang tatanungin, mabilis ang sagot niyang kamukha niya ang pangalawa niyang apong si Baby Mochi.

“Siyempre sasabihin niya kamukha niya! Hahaha!” reaksyon ni Pauleen nang kinuwento namin ito sa kanya.

Pero totoo namang more on sa mga Luna ang itsura ni Baby Mochi ngayong maliit pa lang daw ito. Baka paglaki raw ay magiging Sotto na rin ang itsura ng bunso niyang anak.

“For now! Hahaha! Si Tali, Luna din nagsimula. Sottong Sotto na ngayon,” text uli sa amin ni Pauleen.

Agree naman kami dahil nung sanggol pa lang ang panganay nilang anak, marami ang nagsasabing mas kamukha niya at sumunod sa itsura ng mga Luna. Pero ngayon ay hindi maitatanggi na talagang dugong Sotto itong si Tali na napakabait na bata.

Feel na feel na nga raw ni Talitha ang pagiging ate kay Baby Mochi dahil halos araw-araw ay binabasahan pala niya ng storybook ang kanyang kapatid.

“Yes… mahilig din kasi magbasa si ate,” text uli sa ni Pauleen.

Nakakatuwa ngang tingnan ‘yung post ng Team Bosleng na binabasahan ni Tali ang bunsong kapatid niya ng alas-sais ng umaga.

May caption na “gising na o gising pa?”

Jo, gustong apihin si Sanya!

Kaabang-abang ang pagsisimula ng Lilet Matias: Attorney-At-Law na bagong challenge na naman sa little person na si Jo Berry.

First time niyang gumanap bilang isang abogado, at nagpapasalamat nga raw siya sa GMA 7 sa magagandang project na ibinigay sa kanya.

Dito sa Lilet Matias ay aapihin na naman siya, pero dream din pala ni Jo Berry na makagawa ng isang series na siya naman ang kontrabida.

“Kung puwede naman po, gusto rin pong maging kontrabida.

“Siyempre aaralin ko ‘yung pagiging bad, ‘di ba? Pero wala po muna ‘yung sampal sampal. At the top of my head wala pa po akong maisip,” sabi pa ni Jo Berry.

Ayaw naman daw niyang masyadong bayolente na nang-aapi at ganun kasama.

Pero kung sakaling mag-kontrabida siya, sino naman ang bida sa magiging proyektong ito?

“Wala pa naman po akong maisip ‘yung gusto kong apihin. Grabe naman ‘yung gusto kong apihin.

“Siguro ‘yung gusto ko talagang gusto kong maka-work si Sanya (Lopez). Napakabait ng itsura niya, ‘yung parang talagang aapihin siya,” dagdag niyang pahayag.

Pero siyempre wish din niyang makatrabaho si Dingdong Dantes na sobrang nagalingan daw siya sa pelikulang Rewind. “Sana mabigyan ng chance. Sobrang galing niya sa movie, pinanood ko.

“Nag-comment nga siya nag-post ako after ng Family Feud, sabi niya sana mag-work kami. Sana po. Sana mabigyan ng chance,” pakli nito.

Dito sa Lilet Matias: Attorney-At-Law ay leading men niya sina Edgar Allan Guzman at Jason Abalos.

Pero ang isang wish pala niyang maging leading man ay si Ken Chan na first crush niya sa showbiz.

“Kasi po naalala ko, hindi pa ako artista nu’n, napanood ko siya sa Destiny Rose, e ‘di ba ang sabi nila ‘yung mga actors na kapag ganung role ka na, ibig sabihin nu’n talagang magaling. So, nagawa niya nang magaling.

“Naalala ko nu’n, hindi naman ako nanonood ng serye pero nung nakita ko ‘yung Destiny Rose, nakikita ko pinapanood ko talaga kung sino ‘yung aktor. Dun nag-start,” paliwanag ni Jo Berry.

vuukle comment

PAULEEN LUNA

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with