^

PSN Showbiz

Aktor na nasangkot sa kontrobersyal na hiwalayan, committed na sa ibang babae!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Kinumpirma ng aming reliable source na may bagong girlfriend na ang guwapong aktor na nasangkot sa isyung hiwalayan.

Sa rami ng mga balitang naghiwalay na showbiz couple, tiyak na mahuhulaan pa rin kung sino itong aktor na tinutukoy namin.

Isa rin kasi siya sa mainit na pinag-usapan noon dahil sa paghihiwalay nila ng karelasyong magaling na aktres.

Matagal siya bago nagsalita, at kamakailan lamang siya nag-open at parang okay na okay na siya.

Nahalata naming siya ‘yung tinutukoy sa isang blind item na may nabuntis daw na bagong karelas­yon pagkatapos ng kontrobersyal na hiwalayan.

Pero base sa aming pagtatanung-tanong, itinanggi ito ng ilang taong malapit sa kanya.

Hindi raw totoong nakabuntis. Pero ang true raw ay may bago na itong karelasyon na siyang nagbibigay ng inspirasyon sa kanya.

Pero may kailangang pang ayusin si guwapong aktor sa dating nakarelasyon, kaya hindi pa raw niya kayang ilantad ang bagong pag-ibig.

Tingnan na lang natin kung tuluy-tuloy itong bagong karelasyon ni guwapong aktor.

Lovi, ‘di pa handang magkaanak!

Binigyan ng pa-birthday si Lovi Poe nang humarap siya sa ilang entertainment media nung Martes, Feb. 27, na ginanap sa Super Sam, Quezon City.

Medyo emotional pa siya nang ibinahagi niya ang pagpanaw ng isang alagang dog niyang si Phoebe na 17 years niyang inalagaan.

Ang haba ng birthday wish niya bago niya binlow ang kandila. Kinarir daw niya talaga ang birthday wish niya.

Pero sinundan namin siya ng tanong kung wala pa ba sa wish niya na magka-baby na sila ng asawa niyang si Monty Blencowe. “Of course it could happen, that’s definitely something that I work in the future will be.

“Right now marami pa kasing kaming gustong gawin. We wanna enjoy our married life. But of course, if that happens soon, I’ll be very happy,” napangiti niyang sagot.

Hindi pa raw niya masasabing handa na siyang magka-baby. Kapag dumating daw ‘yun, na kung talagang ipinag-adya ng Panginoon, siyempre magiging masaya raw silang mag-asawa.

“It’s hard to say, ‘di ba? Kasi parang it’s something na… my friends would usually say na they’re never prepared until it’s there. So, I cannot fully say I’m ready. When it happens, I will make sure that I’ll be ready,” saad ni Lovi.

Bumalik na sa Amerika si Lovi, pero babalik din siya rito dahil committed siyang gumawa ng dalawang pelikula.

Meron na nga siyang teaser na The Untamed ni direk Richard Somes sa Regal Films. Isa raw ‘yun sa gagawin niya.

Pero ang isa pang pinagkaabalahan dito ni Lovi ay ang binuo niyang film production kasama si Monty, ang C’est Lovi Productions. May binuo na raw silang horror film na isinulat at ididirek ni Jerrold Tarog.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with