^

PSN Showbiz

Karylle, umaming ‘di perfect ang relasyon nila ng mister

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Karylle, umaming �di perfect ang relasyon nila ng mister
Yael Yuzon at Karylle
STAR/ File

Aminado naman si Karylle na hindi perfect ang marriage nila ng asawang si Yael Yuzon na nag-propose ulit sa kanya kahapon sa It’ Showtime kasabay ng nalalapit nilang 10th wedding anniversary.

Lumuhod nga sa harap ng madlng pipol ang Sponge Cola vocalist at inalok ulit ng kasal ang misis.

Ikinasal sila noong 2014 pero hindi pa sila nagkakaroon ng anak.

“Sobra akong confused kasi siguro marami akong naririnig na magagandang bagay about our relationship. People are praising us but I don’t wanna say that we have a perfect marriage.

“Marriage is hard and it’s a constant commitment and I think maganda ‘yung ginawa niyang kanta ‘yung una na­ming theme song sa wedding, parang ‘dahil kilala na kita, ang nais ko lang ay makilala ka pa.’ Kasi hindi naman kami gumawa ng written vows kasi hindi naman namin alam kung ano’ng mayroon sa future pero ang alam lang namin, we will keep trying and we will fail and we will keep trying again and again and again,” ayon kay Karylle.

“So, everyday we keep on trying, doing, kasi hindi naman po siya perfect talaga, mahirap po talaga po ang marriage,” dagdag ng singer / host.

vuukle comment

KARYLLE

YAEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with