^

PSN Showbiz

80 years olds, pasok na sa Revilla Law!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
80 years olds, pasok na sa Revilla Law!
Sen. Bong Revilla.
STAR/ File

Talagang sure na makatutulong sa mga senior ang Revilla Law na authored ni Sen. Bong Revilla. Ito ang magbibigay ng financial help para sa mga senior na hirap sa buhay pagdating ng 80 years old.

Imagine na pag matanda ka na saka ka pa hirap sa buhay, very pathetic di ba!

Kaya naman marami ang natuwa ng makapasa ang Revilla bill dahil mala­king tulong ito sa lahat.

Totoong ngayon pa lang dapat na magkaroon ng stability ang mga matatanda.

Sa ilalim ng tinatawag na Revilla Law, ang mga matatandang Pilipino na aabot sa mga edad na 80, 85, 90, at 95 ay makatatanggap na rin ng halagang P10,000 habang ang mga aabot naman sa edad na 100 ay patuloy na makatatanggap ng P100,000.

Bongga.

Malapit na akong mag-80. Konting kembot na lang tatanggap na ako ng P10K.

Hahahaha.

Beaver, hindi na mukhang totoy

Marami ang nakapansin na ang laki nang ipinagbago ng physical looks ng young actor na si Beaver Magtalas.

Kung nung una ay mukha pa siyang totoy, ngayon binatang-binata na siya sa pelikulang When Magic Hurts kasama si Mutya Orquia at Maxine Trinidad.

Pero gustung-gusto rin siyang i-link ng mga showbiz writers kung kani-kaninong mga ka edad niyang young stars. Inili-link siya kay Jillian Ward, kay Belle Mariano, at sa iba pa pero dahil nga bata pa at wala sa isip ni Beaver, ngiti lang ang sagot niya.

Cute talaga ngayon si Beaver Magtalas kaya sure ako na magiging pantasya siya ng marami. Lalo pa nga at iba rin ang dating ng kanyang boses.

Go Beaver andito lang ang lola Lolit mo para tulungan ka.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with