^

PSN Showbiz

Sampaguita studios, tatayuan na ng condo

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sampaguita studios, tatayuan na ng condo
Sampaguita studios

Maraming nalungkot nang magsara ang Sampaguita Events Place.

Dati itong Sampaguita Studios ng original starmaker na si Dr. Jose R. Perez na nagpasikat sa mga iconic star tulad nina Gloria Romero, Susan Roces, Amalia Fuentes, Para­luman, Lolita Rodriguez, Rita Gomez, Daisy Romualdez Bella Flores, Eddie Garcia, Juancho Gutierrez, Ric Rodrigo, Dolphy, Oscar Moreno, Eddie Gutierrez, at marami pang iba na hindi na kilala ng bagong henerasyon.

Hanggang ginawa itong events place almost 10 years ago.

Maraming ikinasal sa nasabing lugar at marami ring showbiz events na ginanap sa dating film studio ng pamilya Vera Perez.

Ang ganda ng garden nito na ginagamit noon sa mga pelikulang ginagawa na may tulay at chapel pa kaya sound stage na ang dating nito.

Pero nabili na pala ang nasabing property at tata­yuan na ito ng isang condominium building. Bagama’t ang sabi ay hindi pa fully paid ang nasabing historical area.

At hindi rin naman daw gigibain ang original house sa lugar na isang makasaysayang lugar sa industriya ng Pelikulang Pilipino.

Ba’t kaya imbes na patayuan ito ng condominium ay gawin na lang itong film museum?

Sayang ang mga alaala sa nasabing lugar ng pelikulang Pilipino. Ang dami nang condo building sa Metro Manila sa totoo lang.

vuukle comment

EVENTS PLACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with